ni Jasmin Joy Evangelista | October 17, 2021
Ginawaran ng Kim Jiseok Award sa prestihiyosong 26th Busan International Film Festival sa South Korea ang pelikulang “Gensan Punch” na dinirek ng award-winning director na si Brillante Mendoza.
Tinalo niya ang iba pang nominated films mula sa mga bansang Azerbaijan, Bangladesh, China, India, Japan, Philippines, at Singapore.
Ang “Gensan Punch” na isang Filipino-Japanese film ay isang HBO Asia Original film na kinunan sa Pilipinas at Japan.
Kabilang sa mga aktor ay sina Shogen, Ronnie Lazaro, Kaho Minami, Beauty Gonzales, at Vince Rillon.
Naging inspirasyon ng pelikula ang tunay na istorya ni Naozumi Tsuchiyama, ukol sa isang Japanese na may prosthetic leg at nagtungo sa Pilipinas upang mag-ensayo para matupad ang pangarap na maging professional boxer.
Ang Kim Jiseok Award ay iginagawad sa isang pelikula na sumisimbolo sa repleksiyon sa Asian cinema.