ni Mary Gutierrez Almirañez | May 26, 2021
Pumalo na sa 452,031 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa Brazil dahil sa COVID-19, ayon sa tala ng Brazil Health Ministry nitong Martes.
Batay sa ulat, 2,173 ang nadagdag sa pumanaw, habang mahigit 1,854 ang daily average ng mga nagpopositibo.
Kabilang sa mga itinuturing na dahilan ng surge sa Brazil ay ang nade-delay na vaccination rollout, kung saan 9.9% pa lamang ang fully vaccinated at 20% naman ang nabakunahan ng unang dose, mula sa 212 million na residente.
Isa rin sa ikinababahala kung bakit mabilis ang hawahan ng COVID-19 sa Brazil ay mula nu’ng naitala ang Indian variant sa 6 crew members na nanggaling sa Hong Kong na nakapasok sa bansa.
Huli na rin nang ipatupad ang mahigpit na quarantine restrictions at health protocol sa bansa.
Samantalang sa ‘Pinas nama’y 18,840 overseas Filipino workers (OFW) na ang naitalang kaso ng COVID-19, kung saan 143 balikbayan ang nadagdag.
Ayon naman sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakarekober na ang 130 sa nagpositibo, habang pinag-aaralan na rin ang kanilang sample kung anong variant ang humawa sa kanila.