by Info @Brand Zone | January 17, 2023
COTABATO CITY — Tuloy na tuloy na We Are One Music Peace Festival sa Cotabato State University (CSU) Gymnasium sa darating na ika-26 ng Enero, 2023 (Huwebes). Inaasahang dadalo ang humigit-kumulang 1,000 mga mag-aaral, mga kaguruan, mga opisyal ng gobyerno, mga pinuno ng relihiyon at mga peace advocate mula sa iba’t ibang organisasyon.
Sa temang, "Peace is Here," nilalayon nito na pag-isahin ang boses ng mga kabataan at mamamayan sa Mindanao upang manawagan para sa pagtigil ng mga digmaan sa buong mundo tulad ng nangyari sa Ukraine na naging banta sa seguridad at ekonomiya ng maraming bansa kabilang na ang Pilipinas. Layon din nitong palakasin ang kampanya para sa aktibong pakikilahok ng mga mamamayan at mga pambansang pinuno para sa isang mapayapang lipunan. Kabilang sa mga guest performers ang "Suklay Diva" at "Asia's Vocal Supreme" na si Katrina Velarde, at ang “Queen of Moro Songs", Samraida. Magpe-perform din ang mga Korean singer na sina Aiden at Jin, at mga lokal na bandang The Genremen Band at The Hauz Band.
Ang General Admission ticket ay mabibili sa halagang P50. Ang lahat ng kikitain ay gagamitin para sa pagtatayo ng Peace Monument na nakatakdang pasinayanan sa CSU kinabukasan, ika-27 ng Enero.
Magbibigay ng talumpati sina CSU President Dr. Sema Dilna, City Mayor Bruce Matabalao, Chief Minister Ahod Ebrahim at CHED Commissioner Dr. Ronald L. Adamat sa simula ng programa. Isang espesyal na talumpati ang ihahatid ng isang Korean peace activist na si Chairman Lee Man-hee mula sa HWPL na nagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao mula noong 2014.
Ito ay inorganisa ng Kutawato Greenland Initiatives (KGI) sa pakikipagtulungan ng mga internasyonal na peace partners nito, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), International Women's Peace Group (IWPG), International Peace Youth Group (IPYG). ), Volunteer Individuals for Peace (VIP), BARMM Government, City Government of Cotabato at SPIN Media PH.
Ang mga interesadong dumalo ay maaaring bumili ng kanilang mga tiket sa pamamagitan ng link na ito: http://bit.ly/3i8jXHc. Mabibili na rin ang mga tiket sa CSU simula sa susunod na linggo. Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan kay Bb. Alecka (0945 390 4537).