ni Fely Ng - @Bulgarific | August 03, 2021
Hello, Bulgarians! Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga employer na ang Sickness Benefit Reimbursement Applications (SBRAs) at Maternity Benefit Reimbursement Applications (MBRAs) ay maaari ng isumite online sa pamamagitan ng My.SSS Portal at www.sss.gov.ph.
Ang online na pag-file ng SBRAs at MBRAs, na inilunsad noong Hulyo 2020 at Mayo 2021, ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng E-Services tab ng employers’ My.SSS accounts.
Ang pagsumite online ng SBRA ay mandatory para sa mga bago o paunang claims na may aprubadong sickness notifications, maliban sa mga mayroong adjustment o re-filed claims, na kailangan personal na pumunta sa SSS branch.
Ang pagsumite online ng MBRA ay para sa mga bago o paunang claims at may mga sumusunod na cases adjustment:
Member is qualified as Solo Parent;
Correction of type of claim, such as from normal to caesarian delivery, or from miscarriage to ectopic pregnancy with operation;
SSS computation is higher than employer’s computation;
Additional posted contributions will increase the amount of maternity benefit;
Correction of approved number of days from 60 (normal delivery) or 78 (caesarian section delivery) days to 105 days; and
Allocated leave credits not used due to separation from employment of the child’s father or qualified alternate caregiver.
Ang pag-file ng MBRA sa pamamagitan ng mga sangay ng SSS ay pinahihintulutan pa rin hanggang Agosto 31, 2021. Ang mandatory online filing ay ipatutupad sa 01 Setyembre 2021. Gayunman, ang employer ay dapat pumili lamang ng isang pamamaraan dahil ang sabay na pag-file ng MBRA sa pamamagitan ng SSS branches at online ay hindi pinapayagan.
“As our partners in providing meaningful and timely social security benefits to employees, one of the legal obligations of employers under the Social Security Act of 2018 is to pay in advance the social security sickness and maternity benefits of qualified employees. Through these online facilities, they will also be assured that they will receive their corresponding reimbursements in a faster, safer, and more convenient way,” pahayag ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio.
Sa ilalim ng Seksiyon 14 at 14-A ng Republic Act 11199 o ang Social Security Act ng 2018, kinakailangang bayaran nang maaga ng mga employer ang benefit ng mga kuwalipikadong empleyado tuwing regular na sahod o sa ika-15 at huling araw ng bawat buwan; at maging ang maternity benefit ng mga kuwalipikadong empleyado, na dapat bayaran nang buo sa loob ng 30-araw mula sa petsa ng pagsumite ng aplikasyon ng maternity leave.
Ang kabiguan o pagtangging isulong ang nasabing mga benepisyo ay sasailalim sa mga parusa na ibinigay sa ilalim ng Seksiyon 28 (e) ng RA 11199, na binubuo ng multa na hindi kukulangin sa P5, 000 o higit pa sa P20,000, o pagkabilanggo ng hindi kukulangin sa anim na taon at isang araw na hindi hihigit sa 12-taon, o pareho, sa paghuhusga ng korte.
Ang pagsasampa ng kriminal na aksiyon laban sa mga nagkamaling employer ay maaari ring isama ang kaukulang pananagutang sibil na binubuo ng aktuwal o bayad na pinsala, bukod sa iba pa.
Ang step-by-step guides kung paano gamitin ang online SBRA at MBRA ay maaaring sundan sa pamamagitan ng https://bit.ly/ERSBRA at https://bit.ly/SSSMBRA. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga account ng SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System”, Instagram sa “mysssph”, Twitter sa “PHLSSS”, o sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates”.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.