ni Fely Ng @Bulgarific | January 4, 2024
Hello, Bulgarians! Kamakailan ay lumagda ang Social Security System (SSS) Zamboanga Branch ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang mga miyembro ng ahensya ng Department of Labor and Employment 9-Regional Coordinating Committee (DOLE 9-RCC) para sa social security coverage at proteksyon ng kanilang Job Order (JO) na manggagawa.
Sa pamamagitan ng KaSSSangga Collect Program, 70 JO worker sa ilalim ng DOLE ang irerehistro bilang SSS self-employed member dahil hindi sila sakop ng Government Service Insurance System (GSIS).
Sa pamamagitan ng automatic salary deduction scheme, ang buwanang kontribusyon ng mga JO worker ay maire-remit nang maayos, kaya magiging kuwalipikado sila sa mga benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) Programs.
Ang mga ahensyang miyembro na sumali sa ilalim ng DOLE 9-RCC ay ang National Labor Relations Commission (NLRC), National Conciliation Mediation Board (NCMB), Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Occupational Safety and Health Center (OSHC), at Employees’ Compensation Commission (ECC).
Makikita sa larawan (mula kaliwa pakanan) sina SSS Zamboanga Branch Acting Head Irene D. Laxamana, ECC Regional Advocacy Manager Cerna I. Ahmad-Ayub, NLRC Executive Labor Arbiter Hon. Lizanilla J. Amarga, DOLE 9 Regional Director Albert E.
Gutib, SSS Mindanao West Division Acting Head Ma. Salvacion F. Alam, DOLE Undersecretary Atty. Benjo Santos M. Benavidez, TESDA IX Regional Director Tarhata S. Mapandi, NCMB Regional Director Oliver C. Jao, RTWPB IX Board Secretary VI Joel M. Ijirani, OSHC Regional Program Manager Engr. Leni R. Garcia, at PRC IX Professional Regulations Officer Maricar Siason, sa ginanap na 8th Mindanao Occupational Safety and Health Summit sa Garden Orchid Hotel's Convention Center, Zamboanga City.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.