Bulgarific
Project Ark (Antibody rapid test kits) na pinangungunahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion, nakarating na sa Antipolo City sa pakikipagtulungan ni Mayor Andrea Ynares.
Nakiisa rin sa programang ito sina Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) President Henry Lim Bon Liong, City Health Officer Dr. Concepcion Lat, ARKProject Lead Josephine Romero, Medical Team Leader Dr. Minguita Padilla, Project ARK Pilot Lead for LGU Ginggay Hontiveros-Malvar at George Royeca ng Angkas.
Isinagawa ang Project ARK sa Antipolo City noong May 8-12, 2020 kung saan 1,486 katao ang na-test mula sa target nitong 1,700. Ito ay sa donasyon ng FFCCCII. Mula sa isinagawang test, 0.5% ang hinihinalang positibo sa COVID-19. Ito ay mababa kaya naman masusuportahan nito ang pagbababa sa General Community Quarantine (GCQ) ng munisipalidad. Ang mga nagpositibo sa test ay agad na dinala sa ospital para sa agarang paggamot.
“Simula May 15, we will nw under GCQ. Dahil sa ginawa po ng siyudad ng Antipolo, mas kampante po kami para sa GCQ dahil natest na po ang iba sa aming mga kasamahan. Kulang po ang mga salita para pasalamatan kayong lahat”, sabi ni Mayor Ynares.
Ibinahagi ni Concepcion na para sa ligtas na pagbubukas ng mga negosyo, importante na mag-mass testing muna. “Tayo ay nasa giyera kung saan hindi natin nakikita ang kalaban. Kaya naman layunin ng Project ARK na ibigay sa lahat ang testing para sa agarang solusyon. Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang ilang lugar sa bansa. Kaya naman, para tuluyan ng ma-lift ang community quarantine, kinakailangan na mag-test nang mag-test, mag-contact tracing at I-isolate ang mga nagpositibo para mabalik na natin muli ang ating ekonomiya”.
Sinabi rin ni Concepcion na sana ay mas marami ng negosyo ang maaaring magbukas ngayong naibaba na ang community quarantine sa MECQ.
Sa ngayon, 1,021,293 rapid test kits na ang naiipon mula sa 186 company. Mula sa test kits na ito, 880,693 ay gagamitin sa partnered company, habang ang 140,600 naman ay ibibigay sa barangay. Nakikipagtulungan din ang Project ARK sa ilang munisipalidad kabilang ang Pasig, Taguig, Quezon City at Makati para maabot ang buong komunidad.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo