Salaminin natin ang panaginip ni Leonino na ipinadala sa Facebook Messenger. Dear Professor, Napanaginipan ko na tumaya ako sa lotto at hindi ako nanalo. Sa tunay na buhay, palagi akong tumataya pero hindi rin ako nananalo. Nakakatawa kasi kahit sa panaginip ay hindi ako tumatama. Ano ang ibig sabihin nito? Hihintayin ko ang sagot ninyo. Maraming salamat!
Naghihintay, Leonino
Sa iyo Leonino, Nakakatawa nga yata ang panaginip mo dahil maging sa panaginip ay hindi ka nananalo. Bakit hindi mo ikonsidera na huminto na? Ang pahabol na suhestiyon ay ipunin mo sa latang lalagyan ang mga pera na sana ay itataya mo.
Kapag medyo marami na, ibili mo ito ng bagay at ang susunod na payo ay ibenta mo sa iyong kakilala o sa isang malapit sa iyo ang binili mong ito.
Kapag nagbebenta ka, ito ay pagtitinda at ang nagtitinda ay kailangang kumita kaya dagdagan mo nang konti ang presyo ng ibebenta mo kung saan ang idinagdag mo ay ang tutubuin mo.
Ganu’n nang ganu’n ang gawin mo at magugulat ka na ang sana ay itinaya mo sa lotto na hindi nakabalik sa iyo ay puwedeng magpayaman sa iyo.
Pero bago mo ito gawin, may isang bagay na gusto kong ipagawa sa iyo kung saan tayaan mo ang mga numero ng iyong kaaway, kagalit o kontrabida sa buhay mo.
Subukan mo dahil ito rin ay pormula ng tagumpay na nagsasabing ang ating mga kaaway ay lihim na nakatutulong sa atin para tayo ay magtagumpay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo