ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021
Ipinahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na posible nang simulan ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataang edad 11 pababa bago matapos ang taon.
"I'm pretty sure Pfizer-BioNtech is going to be there by the end of the year," ani FDA Director-General Eric Domingo sa ginanap na Palace briefing.
"We are also waiting on Sinovac to submit their data [for a COVID-19 vaccine] below 18 years old," dagdag niya.
Tulad ng ginamit sa mga kabataang edad 12-17, Moderna at Pfizer-BioNTech din ang gagamitin sa mga batang edad 11 pababa.
Samantala, sinimulan na rin sa bansa ang pagbibigay ng booster shot sa mga fully vaccinated na mga health workers, senior citizens, and persons with comorbidities, sa nakaraang anim na buwan.