ni Thea Janica Teh | December 19, 2020
Inaprubahan na ng United States nitong Biyernes ang paggamit ng COVID-19 vaccine na Moderna, ang ikalawang vaccine na gagamitin bilang emergency use.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Stephen Hahn, "With the availability of two vaccines now for the prevention of COVID-19, the FDA has taken another crucial step in the fight against this global pandemic."
Agad din itong inanunsiyo ni US President Donald Trump sa kanyang Twitter account at sinabing "Congratulations, the Moderna vaccine is now available!"
Ang US ang kauna-unahang nag-authorize ng two-dose regimen sa Moderna, na ngayon ay ikalawang vaccine na ipamamahagi sa Western country sumunod sa Pfizer-BioNTech.
Nitong Disyembre 2, inaprubahan ng Britain ang Pfizer-BioNTech vaccine at sinundan na ito ng iba pang bansa sa buong mundo kabilang ang US.
Ang Pfizer at Moderna vaccine ay parehong base sa cutting edge mRNA (messenger ribonucleic acid) technology at pareho ring nagpakita ng 95% effectivity laban sa COVID-19.
May ilang side effects na naitala sa mga vaccine na ito tulad ng pain at the injection site, tiredness, headache, muscle pain, chills, joint pain, swollen lymph nodes, nausea, vomiting at fever.
Pero ayon sa US FDA, walang dapat ikabahala ang publiko dahil under monitoring na nila ang mga nakaranas ng side effects.
Plano nang ipadala sa US ang 20 milyong Moderna vaccine ngayong buwan at 80 milyon sa unang quarter ng 2021.
Samantala, ipamamahagi naman ang 100 milyong dose ng Moderna vaccine sa second quarter ng taon.