top of page
Search
  • BULGAR
  • May 11, 2022

ni Zel Fernandez | May 11, 2022



Namaalam na ang sikat na celebrity make-up artist at stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72.


Batay sa blog post ng Pageanthology 101 nitong umaga ng Mayo 11, 2022, “The whole Philippine fashion and pageant community mourns by the sudden demise of renowned make up artist, designer and actor FELIX MARIANO FAUSTO JR or popularly known as Tita Fanny Serrano. Rest in Power.”


Noong Setyembre 2016, lumabas ang balita na inatake ng stroke si Tita Fanny at isinugod sa Quezon City's Philippine Heart Center. Doon ay itinuring umano nito na milagro ang kanyang naging paggaling.


Kalaunan, napabalita rin na naka-life support umano si Tita Fanny, ngunit patuloy din ang naging medikasyon na nagpabuti sa kalusugan at lagay nito.


Matatandaan naman na noong 2021, sa kanyang IG post ay emosyonal na humingi ng panalangin si Megastar Sharon Cuneta para sa paggaling ng malapit nitong kaibigan na dumanas umano ng “massive stroke”.


Gayunman, wala pang inilabas na pahayag ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng sikat na makeup artist sa sanhi ng pagkamatay nito.


Mula sa pamunuan ng pahayagang BULGAR, kami po ay nakikiramay sa mga naulila ni Fanny Serrano. Rest in peace, Tita Fanny.


 
 

ni Zel Fernandez | April 25, 2022



Nagluluksa ang fashion industry sa pagkamatay ni Maricris Abad Santos Albert, mas kilala bilang Cris Albert, ang may-ari ng Fila Philippines. Kinumpirma ng shoes brand Fila sa isang Instagram post ang pagpanaw ni Cris, na ibinahagi naman ng kapatid nitong si Ana Abad Santos.


“It is with profound sadness that we announce the untimely passing on Saturday, April 23, 2022, of Fila Philippines CEO and owner, Ms. Cris Albert,” pahayag ng brand.


“Her family appeals to everyone to respect their privacy as they grieve in this time of immense loss.”


Bago pa man maging bahagi ng sports footwear brand noong 1992, ang buhay ni Cris ay umiikot na sa mundo ng fashion. Bata pa lamang ay napapanood na nito ang kanyang inang si Wanda Louwallien sa mga runway shows nito. Kalaunan, naging modelo rin ito at nagsimulang lumitaw sa hindi mabilang na mga ads at campaigns. Pagkaraang magkaroon ng sapat na exposure sa fashion industry, doon niya ipinursigi ang career sa marketing at management.


Ayon pa sa website ng Fila Philippines, umani ng maraming parangal si Cris sa mga gawa likha nito sa fashion at pagkakawanggawa. Kabilang sa mga parangal na tinanggap nito ang Ayala merchants award (2006), Dangal ng Bayan award for product and service excellence (2008), at ang Woman of Substance recognition (2021).


Mula sa pahayagang BULGAR, kami po ay nakikiramay sa mga kapamilyang naulila ni Cris Albert.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021



Maanghang ang mga salitang binitawan ng Filipino fashion designer na si Michael Cinco laban kay Miss Universe Canada Nova Stevens at sa kanyang team matapos siyang sisihin diumano ng mga ito sa pagkatalo sa naturang beauty pageant.


Sa mahabang Facebook post noong Sabado, tinawag ni Cinco si Stevens at ang kabuuan ng Miss Canada Organization na “ungrateful”, “vile”, at “professional users” kasama ng screenshot ng post ng MGmode Communications na nagsasabing late nang dumating ang mga gowns.


Saad pa ng MGmode na handler ni Stevens, “The gown was sent late by Michael’s team, and when it arrived, none of them fitted!” Anila pa, “Such a terrible mistake should not have happen! We love Michael! But this was inexplicable.”



Ayon kay Cinco, nang makarating sa kanya ang naturang post ng MGmode sa Instagram, pinadalhan niya ng mensahe ang mga ito na burahin ang post “and not to humiliate me in social media.”


Saad pa ni Cinco, “I BEGGED him and almost cried and told him I deserve RESPECT.” Sinabihan din umano niya si Stevens upang depensahan siya at tulungan na linawin ang naturang isyu.


Aniya pa, “She (Stevens) just told me that the guys are upset because they believed me and my team are trying to sabotage her.”


Depensa ni Cinco sa FB post, “The gowns arrived on time. Or how could you have sent me photos and videos of her wearing them, showing how the gowns perfectly fitted her, days before each event. You even posted a video of Nova in her last fitting and she was happy. “You were forcing me to make Nova’s 26” waistline to be inched to 23”, which I obviously didn’t heed even if you said that in pageants, comfort doesn’t matter.” “Absurd” din umano ang pahayag ng team ni Stevens na sinabotahe sila ni Cinco.


Aniya, “The insinuation that my team was trying to sabotage her win, is just absurd.” Patunay daw nito ay nag-hire pa si Cinco ng “world-class photographer and filmmaker to shoot her in my couture gowns at a world-class location in Dubai just to give her extra publicity mileage and create for her a balance of glam and luxury as opposed to her humble homecoming in Africa. And everything was PAID FOR BY ME.”


Ayon din kay Cinco, maging ang ibang Miss Universe candidates at mga beauty queens ay nagsuot din ng kanyang mga gawa na pinasalamatan siya maliban lang kay Stevens at sa Canadian team.


Aniya pa, “But for NOVA and your team, not only have I not got a curt THANK YOU but even seemed so upset with me for being eliminated in the pageant.


“AM I THE JUDGE?” Nanawagan din si Cinco na tigilan ang paninisi sa kanya sa pagkatalo ni Stevens at hindi pagpasok sa Miss Universe Top 21.


Aniya, “STOP blaming me for Nova’s not making it to the Top 21 in Miss UNIVERSE. In fact, she did not wear my gown to the prelims as you were earlier posting that she will wear another gown.


And now YOU’RE TELLING ME that her PRELIMS GOWN KILLED HER to advance to the finals. Am I to be blamed for that? “I dressed up most A-List HOLLYWOOD Celebrities, Royalties and wealthiest clients all over the world and they only have ONE RULE in fashion... IF THE DRESS DON’T FIT, DON’T WEAR IT!!! SIMPLE AS THAT. GET IT??? And mind you all of them know how to say THANK YOU...”


Pambubulgar pa ni Cinco, “YOU and your team have been USING me and taking advantage of my kindness for the past 3 consecutive years to dress up your candidates WITHOUT PAYING ME ANY CENTS!” Simpleng “thank you” lamang daw sana ay sapat na ngunit hindi man lang siya nakatanggap ng pasasalamat sa team ni Stevens.


Saad pa ni Cinco, “YOU ALL ARE UNGRATEFUL, VILE and professional USERS.” Nanawagan din si Cinco sa Canadian team na ‘wag na siyang kukunin o ang iba pang Filipino designers na gumawa ng damit ng mga kandidata nila.


Aniya pa, “STOP taking advantage of my KINDNESS and STOP scamming FILIPINO designers... HOW DARE YOU... SHAME ON YOU and your whole CANADIAN Team…”


Ipinost din ni Cinco ang ilang piktyur ni Stevens habang suot ang gown na mga gawa niya. Caption ni Cinco sa final gown ni Stevens, “NOVA’s final gown. Instead of THANKING me for creating her an exquisite gown, she and her team are complaining it didn’t fit her well as if the fitting will make her win the crown... REALLY gusto mo lagyan ko ng YERO waistline mo para lumiit pa... NAGBAYAD KA BA???”


Sa larawan naman na suot ni Stevens ang gawa ni Cinco na dapat sana’y pang-preliminary gown na hindi ginamit dahil sa umano’y “ill-fitting”, aniya, “The worst comment to say to a designer is for your dress to be called ILL-FITTING. I would definitely admit and accept the bashing if it’s true. But this photo shows that she is LYING.. This photo was sent by NOVA herself.


“Girl, ano’ng gusto mong gawin ko sa katawan mo, ISEMENTO ko ‘yang balakang mo? ...KAPAL mo... “And here she is smiling and happy then all of a sudden you’re spreading rumors that you didn’t wear my gown ‘coz it’s ill-fitting... So what’s the best fitting fitting for you, ‘yung i-GLUE ko ang damit sa katawan mo para magmukha kang REBULTO?”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page