top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 4, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Sa last day ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week (PFW) ay pinaligaya niya ang mga street photographers and videographers na walang sawang nag-aabang sa kanya at sa iba pang celebrities para makakuha ng photos and videos.


Makikita sa ipinost na videos and reels ni Heart sa kanyang Instagram (IG) na namigay siya ng coffee, pastries and bracelet sa sandamakmak na mediamen na nasa labas ng venue.


Mapapanood na tuwang-tuwa ang mga ito at abut-abot ang pasasalamat kay Heart. Sey pa ng isa, maghapon na nga raw silang nagtatrabaho at gutom na sila.


“Love you guys, thank you for always making me feel appreciated. To all the street style photogs, rain or shine, summer or winter, you have my heart - I would stop everything I do just to get the shot you need, you guys are the real fashion heroes,” mensahe ng pasasalamat ni Heart.


Last year ay namigay naman ng coffee and donuts si Heart sa mga street photographers at mga videographers.


Samantala, mapapanood din sa video na naging emosyonal si Heart Evangelista sa kanyang last day sa Paris.


Umiiyak na sabi ng aktres, “Kaya ako umiiyak kasi kanina, nagdasal ako na sana okey lahat kasi nag-pictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko.”

Kung sino ang tinutukoy niyang mga kasama niya before ay hindi na niya sinabi.


 

MAS maraming Pilipino ang patuloy na tumututok sa mga teleserye ng ABS-CBN matapos basagin ng Lavender Fields (LF) at Pamilya Sagrado (PS) ang online viewership records nila sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) nitong Miyerkules (Oktubre 2). 


Nakamit nga ng LF ang bago nilang all-time high peak concurrent views na 657,514 matapos pakinggan ni Zandro (Albert Martinez) ang paliwanag ni Jasmin (Jodi Sta. Maria) tungkol sa kanyang pagtatago sa katauhan ni LF at sa pagpapatakas dito mula kina Iris (Janine Gutierrez). 


Samantala, panibagong milestone rin ang nagawa ng PS bilang kauna-unahang primetime serye sa ikatlong slot na makaabot ng lagpas 300,000 peak concurrent views. 


Nakakuha ang serye ng 307,369 peak views nang abangan ng manonood ang unang pagkikita nina Rafael (Piolo Pascual) at Moises (Kyle Echarri) matapos malaman ng dating presidente na anak pala niya ang huli. 


Makikilala rin ng manonood ang mga bagong karakter na aabangan nila sa serye na sina Ketchup Eusebio, Argel Saycon, Zeppi Borromeo, Marela Torre, Ross Pesigan, Junjun Quintana, at Ryan Eigenmann.


Hindi naman pinalalampas gabi-gabi ng mga viewers ang maaksiyong eksena sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) na may pinakamataas na all-time high concurrent viewership record na 729,234 views lalo pa at nanganganib ang buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa kamay ni Facundo (Jaime Fabregas) at ang inaabangang paghihiganti ng mga Montenegro sa mga Caballero. 

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 1, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Masayang-masaya si Maymay Entrata sa kanyang debut appearance sa Paris Fashion Week (PFW). Ibinahagi ng Kapamilya singer/actress sa kanyang social media ang mga larawan niya habang rumarampa sa runway suot ang bonggang creations ng mga designers na sina Leo Almodal (from the Philippines) and Phan Huy (from Vietnam).


Sa isang reel na kanyang ipinost, Maymay slayed the runway in her fabulous gown by Almodal. “Thank you po @leoalmodal for your creations that made me feel like a princess,” caption ni Maymay.


Ipinost din niya ang reel kung saan ay makikitang suot naman niya ang design ni Phan Huy na talaga namang super-bongga rin at bagay na bagay sa kanya.


“This is my 1st look by @phanhuy.official @stevendoanstyle (sparkling emoji) And my first runway in Paris Fashion Week, I will for sure treasure this talaga. Thank you so much for having me po,” caption naman ng Kapamilya artist.


Bukod nga sa pagrampa sa runway, Maymay also performed her hit song Amakabogera at the fashion show kaya naman winner na winner ang beauty niya.

 

Tuluy-tuloy pa rin ang political career ni Sen. Lito Lapid dahil tatakbo pala ulit siyang senador sa 2025 elections.


Kamakailan nga ay inendorso na siya ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. (BBM) bilang opisyal na kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.


Hindi pa rin nawawala ang pangalan ni Sen. Lapid sa Top 12 senatorial candidates simula nga nang mapanood siya noon sa FPJ’s Probinsyano ni Coco Martin at ngayon naman ay sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Mukhang mas nadagdagan pa nga ang kasikatan niya ngayon dahil sa pagkaka-link niya kay Lorna Tolentino na kapareha niya sa BQ.


Matatandaang ibinuking ni Lolit Solis na nililigawan ni Sen. Lito si Lorna at nang minsang matanong nga ang action star tungkol dito ay tinawanan lang niya’t sinabing magkatrabaho lang sila ng aktres.


In his past interviews ay paulit-ulit na nagpapasalamat si Sen. Lito kay Coco dahil because of FPJ's Ang Probinsyano ay muling naging household name ang kanyang pangalan dahilan para manalo siyang senador.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 1, 2024



Showbiz News

Nag-react si Ogie Alcasid sa engagement ng anak na si Leila Alcasid sa kanyang longtime boyfriend na si Curtismith.


Ang magandang balita ay ini-announce ni Leila sa kanyang Instagram account, together with photos of her engagement ring.


Ani Leila sa caption: “The most special anniversary gift.”

Hindi napigilan ni Ogie ang mapa-react sa

recent happening sa buhay ng anak.


Ani ng singer/composer/songwriter sa comment section ng IG ni Leila, “The Lord bless you both. I am truly beyond happy for you two. Love you! Congratulations!”

Sumagot ang kanyang soon-to-be son-in-law, “@olgiealcasid Thanks so much, Tito. Love you!”


Marami ring celebrities ang nag-congratulate sa celebrity couple like Nadine Lustre.

Mensahe naman ni Gabbi Garcia, “OMG! I’M SO HAPPY FOR YOU GUYS!!!! You truly deserve each other, congratulations.”


May nagtanong tuloy sa GF ni Khalil Ramos, “Ikaw, kailan ka?”

Ang iba pang celebrities na nagpadala ng kanilang congratulatory notes ay sina Darren Espanto, Iza Calzado, Chie Filomeno, Dani Barretto among others.


Si Curtismith na Mito Fabie ang real name ay isang Filipino indie singer, rapper at songwriter.


 

Miss U, hindi first Pinay na rumampa…

LEYNA BLOOM, 3 YRS. NANG NAUNA KAY PIA SA L'OREAL FASHION SHOW


Leyna Bloom - Instagram

IPINAGLABAN ng designer na si Mark Bumgarner na si Pia Wurtzbach ang first Filipina to walk L’Oreal runway.


Aniya sa kanyang Instagram page, “Pia is the first Filipina L’Oreal ambassador to walk in Le Defile. I stand by it.”


Sey naman ng isang netizen, “Justifiably the first and the PROUDEST Filipina to walk the Le Defile runway.”


Reply ni Mark, “Not only Filipina when it’s convenient.”

Dagdag pa ng isang netizen, “EXACTLY some jealous people are wasting their time giving a ridiculous amount of nitpicking, just because it’s Pia.”


Kaya pinanindigan ni Bumgarner na ang 2015 Miss Universe ang unang Pinay na rumampa sa Le Defile dahil may isang netizen na nagtanong na, “Is Leyna Bloom a real Filipino? I read somewhere that she denounced being Filipino so that means technically speaking, Pia is really the first. What do you think?”


Sey ng isang netizen, “PIA IS THE FIRST L’OREAL AMBASSADOR FROM THE PHILIPPINES TO WALK THE RUNWAY! Leyna Bloom was not L’OREAL AMBASSADOR in the Philippines, she never was!!!”


Samantala, ayon umano kay Bloom, she walked the said runway three years ago. Nagpakita pa siya ng Philippine passport at isa rin daw siyang Blaan tribe (tribo mula sa Southern Mindanao) at sinabing walang competition ‘yun sa kanya.


 

ISINUGOD si Yasmien Kurdi sa emergency room matapos magka-rashes at allergy, after ng pagkakasakit ng anak niyang si Ayesha.


Humina kasi ang resistensiya ng aktres habang inaalagaan ang anak kaya siya nagkasakit.


Breastfeeding si Yasmien sa kanyang 2nd baby, kaya may oras lamang kung kailan siya puwedeng magpadede sa kanyang bunso dahil naka-steroid siya.


Ipinaalala ni Yasmien ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sariling kalusugan ng mga ina, upang patuloy nilang maalagaan ang kanilang mga anak.


Sey ni Yasmien, “We often play the role of superwoman as mothers, staying strong when our children are unwell.”


Dagdag pa niya, “Once Ayesha recovered, I fell sick, which made me realize just how much our motherly instincts help us stay resilient when we’re needed most.”


Sa kabila ng mga pagsubok, ipinakita ni Yasmien Kurdi ang kanyang lakas at determinasyon bilang isang ina na laging nandiyan para sa kanyang mga anak. 

Ang dami namang nagpadala ng prayer healing sa aktres mula sa kanyang mga kapwa GMA artists para sa maaga niyang paggaling.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page