- BULGAR
- Oct 29, 2021
ni Jasmin Joy Evangelista | October 29, 2021

Inanunsiyo ni Mark Zuckerberg ang pagpapalit ng pangalan ng kumpanyang Facebook.
Sa Connect 2021 virtual event, sinabi ni Zuckerberg na ang kumpanyang Facebook ay tatawagin na ngayong Meta.
Gayunman, mananatili ang pangalan ng mga social media platforms na nasa ilalim nito na kinabibilangan ng Facebook, Instagram at WhatsApp.
“We've learned a lot from struggling with social issues and living under closed platforms, and now it is time to take everything that we've learned and help build the next chapter," ani Zuckerberg sa annual developers conference.
"I am proud to announce that starting today, our company is now Meta. Our mission remains the same, still about bringing people together, our apps and their brands, they're not changing," dagdag niya.
Iginiit naman ng mga kritiko ng Facebook na ginawa nito ang rebranding upang maiiwas ang isyu tungkol sa mga lumabas na eskandalo at kontrobersiya laban sa kumpanya.
Ayon naman kay Zuckerberg, kasabay ng rebranding ng kumpanyang Facebook ay ang pag-abot sa pangarap na maging malapit sa totoong buhay ang maging karanasan ng mga tao kapag gumagamit ng internet.