ni BRT @News | August 2, 2023
Nilinaw ng Department of Education na hindi na kailangan pang mag-attend ng online classes kung suspendido na ang in-person classes dahil sa masamang lagay ng panahon, alinsunod sa DepEd Order 37.
Ito ang paglilinaw ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa matapos na batikusin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang desisyon ng ahensya na magsagawa pa rin ng online classes sa gitna ng kalamidad na una nang tinawag ng grupo na hindi makatarungan at insensitibo sa sitwasyon ng mga mag-aaral at kanilang pamilya.
Ani Poa, para hindi magkaroon ng online disruption, isi-switch ang mga mag-aaral sa tinatawag na alternative delivery modes kabilang na ang pagsagot sa modules subalit hindi aniya pipilitin ang mga mag-aaral na tapusin ang mga ito lalo na kapag hindi na nila kaya dahil nga sa epekto ng bagyo dahil prayoridad pa rin ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Pinaalala rin ng DepEd na mayroong awtoridad ang mga pampublikong paaralan na mag-switch o lumipat ng learning modes mula sa on-site classes sa alternative learning methods depende sa assessment sa kanilang sitwasyon.