top of page
Search

ni Lolet Abania | November 28, 2021



Pinag-iisipan ng gobyerno ang posibilidad na ibalik ang requirement ng pagsusuot ng face shields matapos ang iniulat na banta ng COVID-19 Omicron variant, ang bagong coronavirus variant of concern.


“We will look at the possibility. ‘Yan ang inaano ni (Department of Health) Sec. (Francisco) Duque. He is pro na maibalik ang any protections na puwede natin gamitin kasi some people from WHO (World Health Organization) also believe that kaya nagkaroon ng magandang result sa Delta as to others because of the protection of face shield,” ani vaccine czar Carlito Galvez sa isang virtual presser sa mga reporters.


Ang usapin naman hinggil sa pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, sinabi ni Galvez, “We will reconsider ‘yung plan na ‘yun (that plan) considering na may ongoing uncertainties with Omicron.”


Ayon kay Galvez, wala pang nai-report na Omicron variant case, na pinaniniwalang matinding makahawa, sa Pilipinas sa ngayon.


Samantala, sinabi ni Galvez na ang Sputnik Light, Sinovac, AstraZeneca, Pfizer at Moderna ay inaprubahan lahat ng Food and Drug Administration (FDA) na gamitin bilang karagdagang doses o booster shot.


Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na optional na ang pagsusuot ng para sa mga lugar na nasa Alert Level 3, 2, at 1 subalit nananatili itong required sa lugar naman na nasa Alert Level 5.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 18, 2021


Ngayong niluwagan na ang restrictions kontra-COVID-19 at kamakailan lamang ay inanunsiyo ng pamahalaan na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shields, ano nga ba ang maaaring gawin dito?


Dagdag-problema na ngayon sa plastic waste ang face shield na madalas ay itinatapon na lang kung saan-saan.


Noong una pa lamang ay tutol na ang environmental groups sa paggamit ng face shields dahil dagdag polusyon lamang daw ito sa ating bansa.


"There is no way that you can safely process it, and then keep it that will not harm the environment because it will. A typical plastic in a face shield that we are using will last 500 years in the environment," ani Ramon San Pascual, Executive Director ng Healthcare Without Harm - Southeast Asia.


"If there’s a way to make use of it, recycle it, project in school. Find ways to repurpose it or reuse it. Disposing it will just add up more pollution and that is something the government has not thought of," dagdag niya.


Ayon naman sa National Solid Waste Management Commission, huwag munang itapon ang mga face shield hangga't hindi pa natatapos ang pandemya dahil posibleng kailanganin muli ito. Dagdag nila, puwede rin itong i-recycyle basta i-sanitize.


“If they want to convert into parols, torotot, disinfect lang. Those face shields naman, it’s not coming from hospital. These are not hospital waste. These are technically not infectious," ani NSWMC Vice Chairman Commissioner Crispian Lao.


Samantala, nagpaalala ang DENR sa mga lokal na pamahalaan na responsibilidad nila ang pagkolekta at tamang pag-dispose ng mga face shield na dapat dumaraan sa mga accredited na ahensiya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 16, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1.


Magiging mandatory lamang ang face shields sa mga lugar na nasa Alert Level 5 o ang pinakamataas na classification ng gobyerno at mga lugar na nasa granular lockdowns.


Sa mga lugar naman sa ilalim ng Alert Level 4, ang mga local government units at pribadong establisyimento ang magbibigay ng mandato ukol sa pagsusuot ng face shields.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page