top of page
Search

ni Lolet Abania | February 21, 2022



Hindi na ire-require ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2, at 3 sa darating na May 9 elections.


Sa new normal manual ng Comelec na inilathala noong Pebrero 18, ayon sa ahensiya ang paggamit ng face shields kapag boboto sa 2022 elections ay boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2, at 3.


Subalit ayon sa Comelec, mandated pa rin para sa mga botante ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa iba pang minimum public health protocols sa araw ng eleksyon.


Ang mga voters ay sasailalim din sa non-contact temperature check sa pagpasok nila sa mga polling precinct. Ang mga may temperatura ng 37.5 degrees Celsius ay kailangang dalhin sa mga medical personnel na naka-standby, at sakaling may lagnat, dadalhin naman sila sa isang isolated polling place para doon bumoto.


Matapos ang eleksyon, ang mga Boards of Canvassers ay kailangang mahigpit na sumunod at ipatupad ang minimum public health standards.


Dapat din nilang tiyakin na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal sa loob ng canvassing venue ay hindi lalagpas sa kanilang operational capacity.


Nagpatupad ang Comelec ng mas mahigpit na campaign at election guidelines dahil ito ang unang pagkakataon na ang mga Pilipino ay maghahalal ng mga leaders sa ilalim ng COVID-19 pandemic.

 
 

ni Lolet Abania | January 26, 2022



Target ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng tinatayang 105,000 poll precincts sa darating na May elections.


Ito ang naging pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, habang binanggit nito ang mga paghahanda ng poll body sa nalalapit na 2022 elections sa gitna ng COVID-19 pandemic.


“We are looking at 105,000 precincts. That is up from only around 80,000 nu’ng nakaraang halalan 2019,” ani Jimenez sa Kapihan sa Manila Bay virtual forum ngayong Miyerkules.


Ayon sa opisyal, nais ng Comelec na mag-set up ng mga poll precincts sa mga pampublikong paaralan subalit hindi lahat ng classrooms ay gagamitin dahil na rin sa ipinatutupad na social distancing protocol.


Samantala, sinabi ni Jimenez na ang mga botante ay nananatiling required o kailangan na magsuot ng face shields sa pagpunta sa mga presinto, base ito sa kanilang pinakabagong guidelines.


“’Di kayo papayagan bumoto nang hindi kayo naka-face mask and unfortunately nang hindi kayo naka-face shield,” giit ni Jimenez.


“Alam ko na maraming nagrereklamo na may face shield pa rin kami pero hindi pa po tinatanggal ‘yung face shield requirement,” dagdag ng opisyal.


Aniya, kinukonsulta na ng Comelec ang Department of Health (DOH) hinggil sa face shield policy para sa May 9, 2022 elections.


“Again, it is still there, it is still in our requirements na naka-face shield,” sabi ni Jimenez.


Gayundin ayon kay Jimenez, bahagi ng kanilang preparasyon ay pagkakaroon ng isa pang “end-to-end” demonstration ng automated election system para sa eleksyon.


Gagawin ito matapos na maka-encounter ang Comelec ng mga problema sa report format sa ginanap na mock polls noong Disyembre.


“It was a problem with the report format natin. The data was there pero hindi mo siya makikita nang madali parang magki-click ka pa ng dalawa, tatlo pa bago mo makita ‘yung precinct results but the results were there,” saad ni Jimenez.


“So, inayos na po ‘yan and again we are looking forward to another end to end demonstration maybe, some time in February para makita ng stakeholders natin na naayos na po ‘yan,” sabi pa ng opisyal.


Noong Enero 13, nagsagawa ang Comelec ng aniya, “a second trusted build to correct issues in two software components of the automated election system,” kung saan nakita ito sa naganap na mock elections noong Disyembre.


Nakatakda ang 2022 national at local elections sa Mayo 9, 2022.


 
 

ni Lolet Abania | January 9, 2022



Nilinaw ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ngayong Linggo ang naging pahayag hinggil sa isyu ng face shield dahil hindi aniya, nire-require ng lokal na gobyerno ang pagsusuot nito sa lungsod.


Sa isang statement, sinabi ni Teodoro na ang paggamit ng face shields ay nananatiling optional at walang penalty para sa mga indibidwal na hindi magsusuot nito.


Ayon kay Teodoro, hinihimok lamang niya ang publiko na magsuot ng face shields sa mga matataong lugar para aniya “makadagdag proteksyon” laban sa COVID-19.


"[I]to ay bahagi lamang ng ibayong pag-iingat o added precaution sa crowded o congested areas," ani alkalde.


“Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-ingat lalo na at lumolobo ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dulot ng Omicron variant,” sabi pa ni Teodoro.


Matatandaang ginawang boluntaryo na lamang ng pamahalaan ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3.


Gayunman, ang mga establisimyento o mga employers ay maaaring i-require ang paggamit ng face shields sa kani-kanilang lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page