top of page
Search

ni Madel Moratillo | April 27, 2023




Pinabulaanan ng Department of Health na ibabalik ang mandatory face mask policy kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang paglilinaw ay Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH matapos mag-viral sa social media ang post patungkol sa muling pagpapatupad ng mandatory face mask.



Nilinaw din ng kagawaran na nananatili ang Metro Manila sa Alert Level 1 hanggang Abril 30.


Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ang rekomendasyon nila na decoupling ng kasalukuyag Alert Level System.


Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na maging maingat sa pag-share ng mga impormasyon sa social media.


 
 

ni Lolet Abania | June 14, 2022



Ipinahayag ng Malacañang ngayong Martes na ‘malinaw’ ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na ‘ipagpatuloy ang pagsusuot ng face masks’, matapos na bumuo ang lalawigan ng Cebu ng ibang polisiya kaugnay dito.


Noong nakaraang linggo, ginawa ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ang paggamit ng anti-COVID masks ay optional na sa mga well-ventilated at open spaces. Ito ay sa kabila ng direktiba ng gobyerno na pagsusuot ng face masks sa lahat ng pampublikong lugar.


“The Chief Executive’s directive is clear: Continue wearing face masks,” giit ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa isang statement.


Ayon kay Andanar, suportado ng Malacañang ang legal na opinyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na ang resolution ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa mandatong pagsusuot ng face masks aniya, “shall prevail over the executive orders by local government units, including the one issued by the provincial government of Cebu.”


Nitong Lunes, sinabi naman ni Guevarra, “the IATF resolution is incorporated in and/or enabled by executive orders issued by the President, who has supervision over local governments.”


Dagdag ni Guevarra, ang IATF ay binubuo ng mga Cabinet secretaries na silang tinatawag na alter egos ng Pangulo.


Ayon pa kay Andanar, inatasan na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na anito, “to implement the existing IATF resolution on wearing of face masks accordingly.”


Una nang tumangging kilalanin ng DILG ang face mask policy ng Cebu habang nagbabala ang ahensiya sa mga lalabag sa mga health protocols na posibleng sila ay hulihin.


 
 

ni Lolet Abania | June 9, 2022



Isang executive order ang inisyu ni Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa pagbawi sa mandato ng pagsusuot ng face mask sa mga open spaces sa lalawigan.


Sa Executive Order 16 na inisyu nitong Miyerkules, ayon kay Garcia ang mga face masks ay kakailanganin na lamang sa mga closed at air-conditioned areas.


“The use of face masks shall be optional in well-ventilated and open spaces,” nakasaad sa order.


Gayunman aniya, ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat, ubo o runny nose ay required pa rin na magsuot ng mask kapag aalis ng kanilang bahay. Binanggit naman ni Garcia na ang pag-improve ng probinsiya sa sitwasyon ng COVID-19, ang dahilan kaya pinaluwag na ang mandato ng face mask.


“Other countries, including Singapore, have already directed the wearing of masks and other personal protective equipment be optional in outdoor settings,” ani Garcia sa kanyang order.


Batay sa latest health bulletin na ini-release ng Central Visayas health office, nakapag-record ang Cebu ng average na 36 kaso ng COVID-19 kada araw mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, habang tinatayang 4 milyong mamamayan sa rehiyon ay fully vaccinated na.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mandatory na paggamit ng face masks ang magiging anila, “last to go” o huling aalisin sa transition ng bansa sa new normal.


Marami na ring beses na hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang probinsiya na sumunod sa national mandates ng COVID-19 response.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page