top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021



Maaari nang hindi magsuot ng face mask ang mga estudyante at guro na bakunado na laban sa COVID-19 sa loob ng paaralan sa pagbabalik ng klase, ayon sa US health authorities.


Sa naunang anunsiyo ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Mayo, saad ng ahensiya, "Indoors: Mask use is recommended for people who are not fully vaccinated, including students, teachers, and staff."


Samantala, sa updated guidance, ayon sa CDC, malaya na ang mga paaralan na sundin o hindi ang naunang anunsiyo.


Saad pa ng ahensiya, "Based on the needs of the community, school administrators may opt to make mask use universally required (i.e., required regardless of vaccination status) in the school.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 28, 2021



Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyong pagpayag sa mga nakakumpleto na ng bakuna na ‘wag nang magsuot ng face mask, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Pahayag pa ni Vergeire, “Ang ginagawa natin, tayo po ay nag-aaral na nitong sinasabing rekomendasyon na ito para makita natin if we can also apply this in specific bubbles.”


Ngunit paglilinaw ni Vergeire, hindi pa maikokonsidera ng DOH na payagan ang publiko na ‘wag magsuot ng face mask.


Aniya, “Kung sa Estados Unidos po ay nagkaroon sila ng polisiya na puwede nang hindi mag-mask kapag nasa labas, tayo po rito, hindi pa rin po natin ‘yan maikonsidera kasi ‘yung rate ng vaccination natin, hindi naman pareho roon sa Estados Unidos.


“Mahirap po tayong magkumpara sa ibang bansa sa estado natin ngayon… Meron pa rin po tayong mga pailang-ilang lugar dito sa ating bansa na tumataas po ang kaso.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 12, 2021




Hinuli at pinagmulta ang mga residenteng lumabag sa health protocols, partikular na ang mga walang suot na face mask at mga lumagpas sa curfew hours, batay sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa ilang lugar sa NCR Plus.


Ayon sa ulat, inilunsad ang one time, big time operation sa Quezon City ngayong umaga, kung saan hindi pa matukoy kung ilang violators na ang mga nahuli at dinala sa Quezon Memorial Circle upang doon i-orient at isyuhan ng tiket.


Pinagmulta naman ng P300 hanggang P350 ang mga nahuli.


Samantala, mahigit 300 residente mula sa iba't ibang lugar sa San Pedro, Laguna ang dinampot ng mga pulis kagabi dahil sa paglabag sa curfew hours at city ordinance.


Kabilang dito ang 145 na residenteng walang suot na face mask at hindi tama ang pagsusuot, habang 155 naman ang residenteng hinuli dahil sa curfew hours.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iikot ng mga awtoridad sa bawat barangay upang matiyak na nasusunod ang ipinatutupad na health protocols laban sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page