top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 16, 2021



Labing-tatlong franchise ng Citigroup Incorporation sa Asia at Europe ang isasarado upang magbigay-daan sa ilulunsad nilang bagong marketing strategy, ayon kay Citi Global Chief Executive Officer Ms. Jane Fraser kahapon, Abril 15.


Kilala ang Citigroup o Citibank bilang pinakamalaking credit card issuer sa Singapore na may mahigit 1,900 multinational corporations at tinatayang 2,000 small and medium-sized enterprises.


Batay sa first quarter net income ng Citigroup, sila ay nakapagtala ng US$7.9 billion (S$10.55 billion), na triple ng US$2.5 billion na naitala noong 2020.


Ani Fraser, “While the other 13 markets have excellent businesses, we don’t have the scale we need to compete. We believe our capital, investment dollars and other resources are better deployed against higher returning opportunities in wealth management and our institutional businesses in Asia.”


Kabilang sa isasarado ang mga franchise sa Australia, Bahrain, China, India, Indonesia, South Korea, Malaysia, Poland, Russia, Taiwan, Thailand, Vietnam at Pilipinas.


Nilinaw naman ng Citigroup na hindi maaapektuhan ang ilang bansa sa Asia at Europe, partikular na ang ‘four wealth centres’.


Dagdag pa ni Fraser, “We will operate our consumer banking franchise in Asia and EMEA (Europe, the Middle East and Africa) solely from four wealth centres, Singapore, Hong Kong, United Arab Emirates and London. This positions us to capture the strong growth and attractive returns the wealth management business offers through these important hubs.”

 
 

ni Lolet Abania | September 2, 2020



Milyun-milyong bata ang naka-mask na pumasok sa eskuwelahan matapos na ipatupad ng gobyerno na balik-klase na ang mga estudyante sa kabila ng pagtaas ng Coronavirus infections na umabot na sa mahigit apat na milyon sa buong Europe.


Binuksan ang mga paaralan sa Russia, Ukraine, Belgium at France, kung saan ang mga guro at mga bata na nasa edad 11 pataas ay obligadong magsuot ng face coverings at sundin ang mga regulasyong ipinatutupad sa buong kontinente.


Gayunman, nang mag-impose ng lockdowns mula noong March, maraming mga estudyante ang naantala sa kanilang edukasyon, pati na ang mga oras nila sa mga kaibigan. "I've been waiting for this moment for a long time!" sabi ng isang 12-anyos na si Chahda sa AFP, na dumating sa paaralan sa southern French City ng Marseille.


Samantala, ang pinakamalaking school district sa New York City, USA ay nag-anunsiyo ng pag-antala ng in-person classes at public institutions hanggang September 21, matapos na magkaroon ng pag-uusap sa isang kilalang teachers' union na nagbabalak magsagawa ng pag-aaklas sakaling hindi pagtuunan ng pansin ang tungkol sa mga health issues.


Sa Europe, ang desisyon na ipagpatuloy ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan kahit na mabilis na kumakalat ang virus sa maraming bansa ay dahil sa pangambang magkaroon muli ng sunud-sunod na lockdowns at disruption kapag dumating na ang autumn at winter.


"I am convinced that we can and will prevent a second general shutdown," ayon kay Germany's Economy Minister Peter Altmaier. Ayon sa tally ng AFP sa infections, gamit ang official data sa buong Europe, naitalang mahigit sa apat na milyong katao ang tinamaan ng COVID-19, kung saan ang Russia ang may ikaapat na bahagi ng bilang ng mga naimpeksiyon

 
 
RECOMMENDED
bottom of page