top of page
Search

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Pilipinas ang Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia.


Sa late stage trial results, napag-alamang 91.6% effective ang Sputnik V, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo.


Saad pa ni Domingo, "Based on the totality of evidence available to date, including data from adequate and well-known controlled trials, it is reasonable to believe that the Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology Sputnik V Gam-Cov-Vac COVID-19 vaccine may be effective to prevent COVID-19.”


Aniya pa, "The adverse events reported were mostly mild and transient, similar to common vaccine reactions. No specific safety concerns were identified.”


Samantala, aabot sa 3 million doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ang inorder ng Pilipinas matapos itong mabigyan ng EUA, ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. ngayong Biyernes.


Saad ni Galvez, “We will have a meeting this coming Tuesday. And our initial request is for them to deliver more or less three million doses this coming April [and] May.


“We also have an ongoing negotiation with them to allow LGUs (local government units) to buy the vaccine.” Ang Sputnik V ay two-dose vaccine matapos ang tatlong linggo at ang mga edad 18 pataas lamang ang maaaring mabakunahan nito.


 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2021





Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong Martes na naghain na ang Chinese firm na Sinopharm ng kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) sa COVID-19 vaccine.


“There was an online application filed yesterday afternoon. Our officers are now checking the contents of the submission,” ani FDA Chief Eric Domingo.


Kahapon, inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na isinumite na ng Sinopharm ang kanilang application subalit ayon kay Domingo, hindi pa niya ito makumpirma.


Matatandaang sinabi ni FDA chief na kinakailangan ng ahensiya ng apat hanggang anim na linggo para ma-evaluate ang Sinopharm vaccine dahil sa kakulangan nito ng approval mula sa stringent regulatory authorities (SRAs) gaya ng US FDA o ng World Health Organization (WHO).


“Depende na lang kung in the meantime, kung in between ng application nila ay magkaroon sila ng ganu’n, ng US FDA (approval) o kaya sa UK o kaya itong mga Asian countries na alam nating stringent sila o sa WHO,” ani Domingo sa isang interview.


Binanggit naman kamakailan ni Roque na mas gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maturukan ng Sinopharm vaccine.


Gayundin, sa naganap na ceremony ng pagdating ng 600,000 Sinovac doses noong Linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na personal niyang hiniling ang supply ng isang COVID-19 vaccine subalit hindi niya binanggit ang pangalan nito.


Ayon pa sa 75-anyos na Pangulo, nais din ng kanyang doktor na isang Chinese vaccine brand ang ibigay sa kanya subalit hindi siya kuwalipikadong tumanggap ng Sinovac shot dahil sa maaari lamang itong gamitin ng mga malulusog na indibidwal na nasa edad 18 hanggang 59.


“Ako naghingi ako, personal. Wala silang stock. Nanghingi ako para sa pamilya ko pati sa akin. I do not know if we would have enough vaccines for everybody, but I think I can accommodate itong Cabinet members,” ani P-Duterte.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 2, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021





Walang makuhang impormasyon ang Food and Drug Administration hinggil sa umano’y nabakunahan ng Sinopharm ang Presidential Security Group (PSG) kontra COVID-19, batay sa panayam kay FDA Director General Eric Domingo kaninang umaga, Marso 2.


Aniya, "Well, right now, if I tell you frankly, it's a blank wall. We're not getting any information. The DOH is not getting information. Our people are still at it. I don't have any concrete information on that."


Nauna na ring itinanggi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang isinumiteng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng bakunang Sinopharm na taliwas sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon.


Sa ngayon ay Pfizer, AstraZeneca at Sinovac pa lamang ang mga bakunang may emergency use authorization sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page