ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 8, 2025
Photo: Gerald at Julia - Instagram
Isang sikat na psychic/card reader ang nagsabing may plano nang magpakasal ngayong 2025 ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.
Pero, abroad daw nila ito gagawin at itatago sa publiko. Proteksiyon na rin ito kay Julia, na may existing contracts pa sa ilan niyang product endorsements.
Ganunpaman, hindi nila basta maililihim ang kasal dahil pareho silang mga sikat na artista. Mabubunyag din ito sa lahat.
Samantala, may mga netizens naman ang nagpapayo kay Julia na huwag munang magpakasal kay Gerald. Sayang daw ang mga endorsements na mawawala kapag nag-asawa ang aktres. Mababawasan na rin ang kanyang premium bilang bankable actress.
Kung makakapaghintay pa si Gerald ng 2 to 3 years bago sila magpakasal, magiging bentahe ito sa nobyang si Julia Barretto. Sa panahon ngayon, dapat ay mas maging praktikal sila sa buhay.
Mas rich ang madir sa anak?
BAGONG BAHAY NI RUFFA, REGALO NI ANNABELLE
Bongga ang taong 2025 para kay Ruffa Gutierrez dahil lumipat siya sa bagong bahay na binili ng kanyang mom na si Annabelle Rama. Mismong si Annabelle ang namahala sa pag-aayos ng bagong bahay ni Ruffa. Ipinaalis ni Annabelle ang mga lumang gamit at ipinatago sa bodega.
Lahat ay bagong gamit ang gusto niyang makita sa bagong bahay, kaya walang nagawa si Ruffa kundi sundin ang kanyang mom.
May mga netizens naman ang nagtataka at nagtatanong kung bakit si Annabelle ang bumili at nagregalo ng bahay kay Ruffa. Wala bang sariling pera ang anak? At anu-ano ang pinagkakaabalahan niyang gawin bukod sa kanyang pagbibiyahe abroad?
Paano ang gastusin ng dalawa niyang anak? Nakakatanggap ba ng sustento sina Venice at Lorin mula sa kanilang amang si Yilmaz Bektas?
SA pagbabalik ng session sa Senado ngayong Enero, hihikayatin ni Sen. Lito Lapid ang mga kapwa niya senador na aprubahan ang panukala niyang ideklara ang Quiapo bilang national heritage at cultural zone. Ito ay nakapaloob sa kanyang Senate Bill 1471.
Layunin ng bill na muling buhayin ang Quiapo bilang sentro ng ekonomiya ng Maynila.
Malaki ang naging bahagi ng Quiapo sa paglinang ng ating kasaysayan, tradisyon, turismo, at ekonomiya.
Si Sen. Lito Lapid ang chairman ng Senate Committee on Tourism. At ngayong darating na Pista ng Poong Nazareno, dadagsain muli ng mga deboto ang Quiapo at magiging atraksiyon din ito sa mga turista.