ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 09, 2021
Hindi ikinahihiyang aminin ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na noong bagu-bago pa lang siyang nag-aartista ay ang kanyang tatay ang nagme-makeup sa kanya kapag may events o shooting siyang pupuntahan.
May talent sa pagme-makeup ang kanyang tatay at maganda naman ang resulta. Ngayon, may cosmetic line na si Gabbi at may sarili na ring stylist-makeup artist na tumutulong sa kanya.
At kahit papaano, natuto na rin siya ng simple makeup at kaya na niyang ayusin ang kanyang sarili.