ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 12, 2021
Tama ang naging desisyon ni Angel Locsin na magpapayat, mag-diet at magbawas ng timbang. Para na rin ito sa kanyang kapakanan at maayos na kalusugan.
Kung gusto pa ni Angel na manatili sa showbiz, kailangan na muna niyang tutukan ang pagiging fit and healthy bago bumalik sa harap ng kamera.
Marami ang nanghihinayang sa kanya dahil ang ganda-ganda ni Angel pero pinabayaan naman ang kanyang timbang.
Maraming makabagong pamamaraan ngayon upang makapagbawas ng timbang. Si Sharon Cuneta nga na dati ring problema ang katabaan ay nag-diet upang bumalik ang dating porma ng katawan.
Mas bata si Angel kay Megastar. Tiyak na kakayanin niya ang prosesong pagdaraanan upang bumalik ang dating figure.
Hindi dapat maging sensitibo si Angel Locsin kapag pinupuna ang kanyang pagiging heavyweight. Nagmamalasakit lang naman ang iba at gusto siyang makitang muli na sexy and fit.
Maraming oportunidad na naghihintay kay Angel Locsin kapag nagawa niyang magbawas ng timbang.