ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 02, 2021
Walang dahilan upang ma-insecure sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Carla Abellana, Lovi Poe at Rhian Ramos sa pagpasok-pagdating ni Bea Alonzo sa GMA Network.
Hindi naman ito nangangahulugan na aagawan na ni Bea ng puwesto o titulo ang mga dating female lead stars ng Kapuso Network.
Marami namang naka-line-up na projects ang GMA-7 para sa kanilang mga artista. Hindi sila maeetsapuwera dahil lang sa naging Kapuso na rin si Bea Alonzo. In fact, mas gaganda at lalakas ang line-up ng mga Kapuso leading ladies na bibida sa mga serye ng GMA-7.
At kung bongga ang pagsalubong ng network kay Bea, ito ay pagbibigay lang ng importansiya dahil isa siyang premyadong aktres. At hindi naman siguro nalalayo ang talent fee ni Bea sa TF na ibinibigay kina Marian, Heart at Jennylyn.
Kahit na sinasabing milyones ang katapat na halaga ng pagpirma ni Bea ng exclusive contract sa GMA Network, magkakaiba naman ang karisma nila sa viewers nina Marian, Heart at Jennylyn.
At may sari-sarili rin silang fans/supporters na tumututok sa kanilang mga programa.