ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 26, 2021
Marami ang nanghihinayang sa nasirang pagkakaibigan nina Sen. Manny Pacquiao at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.
Halos 20 years ang itinagal ng kanilang friendship at bagitong boksingero pa lamang noon si Pacman na gumagawa ng pangalan bilang world-class boxer. Ngayon ay may walo na siyang weight division title at sa lahat ng laban ni Pacquiao ay kasa-kasama niya si Mayor Chavit.
Buong-buo rin ang pagiging magkumpare nina Pacman at Mayor Chavit. Lahat ng anak ni Sen. Manny ay inanak sa binyag ng alkalde.
Pero base sa reaction ni Mayor Chavit sa kanyang mga interviews, halatang malalim ang tampo niya sa ginawang “panlalaglag” sa kanya ng BFF niyang si Sen. Manny kaya hindi niya sasamahan si Pacman sa laban nito sa boksingerong si Errol Spence, Jr..
Pero wish ni Mayor Chavit na manalo pa rin si Pacquiao para sa karangalan ng ating bansa.
Bago pa tumakbong senador noon si Sen. Manny, pinayuhan siya ni Mayor Chavit na huwag nang lumaban at magretiro na sa boxing ring, pero ipinagpatuloy pa rin ni Pacman ang paglaban sa mga boxers na humahamon sa kanya.
Ngayong senador na siya, maraming aksiyon si Sen. Pacquiao na ikinabigla ng lahat. Pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay kanyang binangga.
Veteran politician na si Mayor Chavit at naging mayor din ng Vigan City nang ilang termino at dahil marami na siyang karanasan bilang public servant, ginagabayan at pinapayuhan niya si Sen. Manny sa mga political matters na dapat matutunan.
Ngunit iba ang naging direksiyon ni Sen. Manny. Meron din kasi siyang set of political advisers na nagbigay sa kanya ng ideya na puwede na siyang tumakbong president kaya ngayon ay nagpapakitang-gilas si Pacman.
Diretsahan namang sinabi ni Mayor Chavit na walang “K” at hindi pa kakayanin ni Sen. Manny ang maging presidente ng ‘Pinas. Marami pa siyang dapat matutunan at mga bagay na dapat pag-aralan.
Bagitung-bagito pa si Pacquiao sa larangan ng pulitika. Dapat siyang makinig sa mga taong mahaba na ang experience sa pulitika.
Hindi kasiguruhan na mananalo siyang pangulo dahil sa ginawa niyang exposé sa corruption ng iba’t ibang sangay ng gobyerno. Hindi bentahe sa kanyang political career ang sobrang pagiging idealistic.