ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 08, 2021
Nangangamoy-balikan sa showbiz couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Kalmado na ang mundo ngayon ni Kylie at nahaharap na niya ang ilang projects na kanyang tinanggap. Nagpaka-daring siya sa project na kasama si Andrea Torres. May pagka-lesbian kasi ang kanyang role na mai-in love kay Andrea. At marami na ang excited na ito ay mapanood.
Habang abala si Kylie sa kanyang mga commitments, ang dalawa nilang anak na sina Alas at Axl ay nasa piling ni Aljur sa bahay nito sa Batangas. Nang mag-celebrate ng 4th b-day si Alas ay isang simpleng celebration ang inihanda ni Aljur para sa kanyang panganay.
May inihanda rin si Kylie para sa kaarawan ni Alas. Babawi na lang daw siya next year kapag bumalik na sa normal ang kapaligiran.
Noong unang nabunyag sa publiko ang paghihiwalay nina Kylie at Aljur, marami ang nagsasabing hindi magtatagal at magkakabati rin sila, lalo na't may mga anak silang lumalaki na.
Lately, may ilang posts si Kylie na nagpapahiwatig na gusto niyang bigyan ng second chance si Aljur. Nakikita naman niyang nagbabago na ang asawa.
Maging ang malalapit nilang kaibigan ay nagsasabing nararamdaman nilang magkakaayos din ang dalawa. Abang-abang na lang daw sa puwedeng maganap.
For sure, ikatutuwa rin ni Robin Padilla kung mabubuong muli ang pamilya nina Kylie at Aljur. Mahirap ang watak-watak na pagsasama. Ang mga anak ang magdurusa.