top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 25, 2023



Payag na ang mga fans ni Kris Aquino na magkaroon siya ulit ng love life at kung si Batangas Vice-Gov. Marc Leviste man ang nagpapasaya sa kanya ngayon ay hindi na sila tututol at kokontra.


Nakikita naman ng mga fans ng Queen of All Media na todo-effort si VG Marc na alalayan, tulungan, suportahan at pasayahin ang kanilang idolo habang ito ay may sakit na pinagdaraanan.


Bumibiyahe pa papuntang Amerika si VG Marc upang bigyan ng moral support at samahan si Kris sa panahong kailangan niya ng karamay at masasandalan.


At kahit may ilan pa rin ang nagdududa sa sinseridad at intensiyon ni VG Marc ay unti-unti nang nakukumbinse ang mga supporters ng Queen of All Media na karapat-dapat nga itong mahalin ng kanilang idolo.


Marami rin ang nakakapansin at nagsasabing tila sumisigla at lumalakas si Kris kapag nasa tabi niya si VG Marc.


Mistulang gamot nga ang epektong idinudulot ni VG Marc sa buhay ngayon ng Queen of All Media at maging sa mga anak niyang sina Bimby at Joshua. Botong-boto rin ang dalawa kay VG Marc para sa kanilang ina.


Hopefully ay natagpuan na nga ni Kris ang tunay na pag-ibig sa katauhan ni VG Marc.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 14, 2022



Hanggang saan kaya mapaninindigan ng young actress na si Andrea Brillantes ang kanyang pagiging maangas at maldita?


Bumibitaw na sa kanya ang ilang endorsements dahil sa kanyang lantarang panlalait kina BBM at Sara Duterte. Hindi naman siya pinipigilang pumanig kay VP Leni Robredo at maging Kakampink, pero wala sa lugar ang kanyang mga binibitawang statements.


Ginagawa ba ito ni Andrea upang magpapansin at mapag-usapan sa showbiz circle? Masyado siyang bida-bida pero wala sa lugar.


Hindi pa nga siya gaanong sikat, eh, tiyak na malalaos na kaagad kapag siya ay pinagkaisahan na i- boycott ng 30 million BBM-Sara supporters.


Tiyak din na magdadalawang-isip na ang mga promoters/sponsors na kunin si Andrea Brillantes bilang endorser dahil super nega ng kanyang image sa publiko.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 13, 2022



May mga BBM supporters ang nagsa-suggest at gustong iparating kay President-elect Bongbong Marcos na sana, ang mga kaalyado nilang senators na hindi pinalad na pumasok sa Top 12 senatoriables ay bigyan ng cabinet post tulad nina Herbert Bautista, Jejomar Binay at Gibo Teodoro. Tutal naman ay deserving ang tatlo dahil dati na silang naging public servant.


Si Jejomar Binay, naging mayor ng Makati at nanalong vice-president din. Si Gibo ay malawak na rin ang karanasan sa public service. At si Herbert Bautista, mula sa pagiging konsehal ay naging 3-termer vice-mayor ng Kyusi. Tatlong taon din siyang naupo bilang mayor.


Puwedeng-puwede si Bistek na ilagay sa DILG. Si Binay, sa Foreign Affairs. At si Gibo, sa DPWH.


At dahil welcome kay BBM ang sinuman na galing sa ibang partido, puwedeng-puwede niyang ilagay sa DOH si Doc Willie Ong na ka-tandem dati ni Isko Moreno na tumakbong vice-president.


Maging sina Sen. Tito Sotto at Ping Lacson ay deserving din na mabigyan ng puwesto sa cabinet ni BBM.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page