ni Angela Fernando - Trainee @News | November 14, 2023
Tiniyak ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Senado ngayon na kanilang babawasan ang singil sa bayarin sa ikalawang quarter ng taong 2024.
Ayon sa sponsor ng Department of Energy na si Sen. Sherwin Gatchalian, may badyet na natanggap ang ahensya na nagkakahalaga ng P888-milyon na nakalaan sa susunod na taon.
Aniya, makakaasa ang mga customer ng pagbaba ng singil ngunit nakikipag-ugnayan pa sila sa ibang ahensya tulad ng National Grid Corporation of the Philippines upang matukoy nila kung gaano kalaki ang ibababa nito.
Dagdag ng senador, "Right now we are still in the process of conducting hearings and they have requested NGCP and other stakeholders to file their comments and submit their comments. All of those will be compiled and a final decision will happen by the end of the year."
Sa kasalukuyan, ang kanilang tinitingnang solusyon ay ang pagbawas ng bayarin sa transmisyon para mabilis din itong mabantayan.