ni Mary Gutierrez Almirañez | April 17, 2021
Bumuti na ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada mula nang ibalik siya sa intensive care unit (ICU) para sa non-COVID patients, ayon sa Facebook post ni former Senator Jinggoy Estrada ngayon.
Aniya, “My father is doing better today. His medications for blood pressure support are being lessened and his kidney function is improving. Overall, he seems to be responding well to measures to control the lung infection.”
Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 si Erap noong nakaraang buwan at dinala sa ICU dahil sa pneumonia.
Ika-9 ng Abril nang tanggalin ang ventilator support sa kanya at inalis siya sa ICU matapos gumaling sa virus.
Nu'ng isang araw ay muling ibinalik sa ICU ang dating Pangulo matapos ma-diagnose ng bacterial lung infection. Patuloy namang inoobserbahan ang kanyang kondisyon.
“He is still on oxygen support but continues to be alert and oriented. He still remains at the ICU for further monitoring. Please continue to pray that his progress continues,” sabi pa ni Jinggoy.