Beth Gelena / Bulgary Files
Hindi pabor ang beteranang aktres na si Vivian Velez sa pagbibigay ng Kongreso ng probisyonal na prangkisa para muling umere ang ABS-CBN na ang tantiya ay sa darating na Hunyo hanggang October 31.
Shout-out niya sa kanyang social media account, "Congress providing ABS-CBN provisional franchise is illegal... Abolish Congress!"
May kasunod pang post si Vivian sa Facebook na isang larawan ng balimbing na prutas na mukhang patama kay House Speaker Alan Peter Cayetano.
Aniya: "Need I say more... Sino siya?"
Mukhang malaki ang galit ni Vivian sa Kapamilya Network dahil may kasunod pa siyang post ngayong May 14.
Aniya, "You don't give a pep talk to rally people behind you, then buckle down in the end. Keep your word! #yes2shutdown #no2oligarchs."
Very vocal naman ang beteranang aktres na DDS (Diehard Duterte Supporter) siya.
May post din si Vivian patungkol sa mga kongresistang nag-apruba ng provisional franchise ng ABS-CBN na, "To those morons yesterday... baka nakakalimutan n'yo na meron din nito."
Kung matatandaan, si Vivian ay minsan nang gumawa ng teleserye sa bakuran ng ABS-CBN. Nagkasama sila ni Cristine Reyes sa Tubig at Langis nu'ng taong 2016 kung saan nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan habang umeere ang teleserye kaya nawala siya sa programa.
Sa ngayon, tumatayong director general ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang aktres matapos i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte.