top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Trending sa social media ang hashtag na “WeBlockAsOne.”

Ginawa ito ng KathNiel fans dahil gusto nilang ipa-block sa socmed ang mga bumabatikos sa kanilang mga idolo na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Inilalapit nila sa mga administrator ng mga social media platforms at ipinaba-block ang sinumang nagsasabi ng masama at bumabatikos sa KathNiel dahil sa pagtatanggol ng celebrity couple sa kanilang home studio na ABS-CBN.

Gustong ipasara ng KathNiel fans sa pamamagitan ng mass reporting ang socmed page account ng mga netizens na nanlalait sa kanilang idolo.

Mula kasi nang magsalita si Kathryn hinggil sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN na hindi raw makatarungan ay bumaha ang batikos ng mga netizens sa kanyang social media account.

Ayon sa Kapamilya actress, nu’ng una raw ay ayaw niyang magsalita tungkol sa isyu ng ABS-CBN shutdown dahil na-trauma siya nang magsalita noon sa usaping pulitika.

"Noong huling beses na ginamit ko ang platform ko sa usaping pulitika, hindi naging maganda 'yung nangyari. Naging traumatic 'yung experience ko noon.”

Maging ang pamilya raw niya ay nadamay pa.

Inalis daw niya ang takot sa dibdib para ipagtanggol ang ABS-CBN.

“Kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo 'yung magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo."

Sinegundahan naman ni Daniel ang post ng girlfriend.

“Bilang Pilipino, tungkulin natin na maging mapagmatyag. Karapatan natin ang magsalita, pero kasama ng karapatan na 'yan ay responsibilidad -- responsibilidad na siguraduhin na ang sinasabi natin ay tama, at higit sa lahat ay makatao at para sa tao," ani ng anak ni Karla Estrada.

“Nakakadismaya hong makita na ang iba naming mga kasamahan sa industriya na piniling magsalita ay iniinsulto.

“Wala naman ho silang ibang layunin kundi muling magbukas ang ABS-CBN.

“Ang gusto lang naman ho nila ay mapawi ang takot na nararamdaman ng mga empleyado na maaaring mawalan ng trabaho.”

Dahil sa post ng celebrity couple kaya sangkatutak na negatibong komento ang kanilang natatanggap ngayon.

Nanawagan ang KathNiel fans sa ibang fans ng mga artista na nakatikim din ng panlalait at masasakit na salita na makiisa sa ginagawa nilang mass reporting para mai-block ang mga bashers sa social media.

Matatandaang nauna nang umani ng pambabatikos sina Angel Locsin, Coco Martin, Judy Ann Santos, Kim Chiu at iba pang Kapamilya stars nang ipagtanggol nila ang ABS-CBN.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Walang katotohanan na lilipat sa GMA-7 ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.

Nabigyan kasi ng kulay nang makitang nakikipagkuwentuhan si Heaven sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa mismong bakuran ng Kapuso last year.

Kamakailan ay nainterbyu ang young actress at natanong sa kanya kung totoong mag-oober da bakod siya.

Agad namang sumagot si Heaven na muli na raw siyang pumirma ng three-year contract sa ABS-CBN.

Aniya, "Nag-sign na ako sa ABS talaga na management kaya siguro hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng ganoong issues! Forever Kapamilya.”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Nagbubunyi ang mga Popsters dahil ang awiting Kilometro ni Sarah Geronimo ay ang nag-iisang OPM song na pasok sa Asia’s MTV Mood Playlist sa Spotify.

Five years and a half na nang i-release ang Kilometro ni Sarah, pero hanggang ngayon ay may dating at hatak pa rin sa pandinig ng mga music lovers.

Nag-uumapaw sa tuwa ang mga fans ng Popstar Royalty dahil dagdag na naman sa achievement ng kanilang idol bilang singer na pinatutugtog ng MTVAsiaPlaylist ang Kilometro ni Sarah.

“Kilometro as the only Filipino song in MTV Asia Spotify playlist? Queen Sarah G is really waving our OPM flag in the international scene, ladies and gentlemen!!!!”

“Tala is almost 134M views while KILOMETRO is on its way to 17M views. Power stream tayo.”

“So proud of this person! Achievements wise, name it, she has it! But never did she boast about it! A living proof that we can be humble despite our accomplishments!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page