top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Sa United Kingdom na pala naninirahan ang dating Streetboys dancer na si Spencer Reyes.

Nainterbyu ng 24-Oras ang former dancer.

Ayon ka y Spencer, isa siyang frontliner sa UK kung saan naghahatid siya ng mga medical workers.

Sinabi pa ng dancer na nagtatrabaho siya bilang bus driver sa isa sa pinakamalalaking bus companies sa UK.

Year 2008 nang maisipan ni Spencer na pumuntang England para ru'n magtrabaho.

Makalipas ang ilang taon ay kinuha niya ang kanyang pamilya rito sa 'Pinas at doon na sila nanirahan sa Scotland.

Tatlo ang anak ni Spencer.

Nagtapos ng Nursing dito sa Pilipinas ang former dancer, pero nag-aral pa rin siya ng Engineering sa Scotland.

Kahit nagtapos ng Engineering doon si Spencer ay hirap siyang makahanap ng trabaho lalo na kung office work.

"Ang trabaho ko rito is I'm driving a bus, nagtatrabaho po ako rito sa one of the biggest companies dito sa U.K." sambit ni Spencer.

Masaya si Spencer dahil sa panahon ng COVID-19 ay nakakatulong siya kahit papaano.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

May post ang GMA-7 host na si Arnold Clavio patungkol sa kontrobersiyal na birthday ng NCRPO chief na si Major General Debold Sinas.

Sa post ni Arnold ay ginamit niya ang viral "classroom statement" ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Na-catch ang atensiyon ng mga netizens sa post ng Kapuso news anchor. Sabi kasi niya sa kanyang socmed account, “Sa ilalim ng ECQ, may batas, bawal mag-birthday party, oh, bawal ang birthday party.”

Dugtong pa niya, “Pero 'pag sinabi, 'pag nag-comply ka na bawal ang public gatherings at social distancing pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila, inayos mo ‘yung rules ng ECQ n'yo at sinabmit mo ulit sa hepe mo ay puwede na pala ang mañanita.”

May idinagdag pang post si Arnold na… “Ang sabi ni Kim Chiu…”

Ayon sa mga netizens, ginawa raw katawa-tawa ni Arnold ang Chinita Princess.

Ano kaya ang masasabi ni Kim tungkol dito?

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Pinanindigan na ni Korina Sanchez ang pagiging ‘Clapback Queen’ nang depensahan niya sina Coco Martin at Kim Chiu sa mga bashers at trolls.

Post ni Korina sa kanyang Instagram account, “Coco Martin and Kim Chiu are under attack from bashers. Majority of the bashers are paid trolls which supporters of this administration have heavily invested in. There’s a way to handle them. Engage or ignore. To engage is to simply speak back for everyone else to see what trash they are. Otherwise, deadma."

Sinabi pa niyang hindi man perpekto sina Coco at Kim sa kanilang sinasabi o pag-express ng nararamdaman ay tama naman at may punto ang ipinaglalaban ng dalawa.

“Their hearts are in the RIGHT place. Right meaning opposite of wrong. And you know what’s wrong? The ABS-CBN sudden – unceremonious, possibly illegal, immoral, sinister, unethical, despicable, abhorrent, inconceivable, wicked – closure. So, sa harap ng Batas ng tao o Batas ng

Panginoon, panalo si Coco at Kim. 'Yun lang. #TheLawIsDaLaw.”

May sumagot sa post ni Korina, “Sana po mag-aral na si Kim Chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya.”

Siyempre pa, ang sagot ni Koring, “'Wag kang BRUHA.”

Ayon naman sa isang netizen, hindi siya troll, pero aniya, naisip daw sana ng mga artista na public figure sila na iniidolo ng marami.

“Lahat ng mga sasabihin nila, may magri-react. Think before you click nga, 'di ba? Lalo na sa panahon ng social media. Choose your battle wisely. Hindi lahat, pinapatulan. Lalo na 'pag hindi naman talaga nila alam ipinaglalaban at pinagsasabi nila.”

“Hindi sila nagsisisi. So, para saan 'yung kailangang pag-usapan muna? Nag-isip nga ang mga 'yan kaya nga nagsasalita na kasi mali ang ginawa ng gobyerno,” ang sagot naman ng TV host.

Lahat ng mga nasa comments section sa IG ni Korina ay talagang hindi niya pinalampas na sagutin.

May kasamang pambabara at supalpal ang mga bashers sa reply ni Koring. Ang ibang netizen ay naaliw kapag bruha ang isinasagot ni Korina.

“Hahaha! Nakakatawa 'yung reply n'ya lagi na 'wag kang bruha...”

“Go, Ate Koring. Shame them with your clapbacks.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page