top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nakatiis si Alex Gonzaga na 'di sagutin ang kanyang mga bashers. Sinabihan kasi si Alex na umalis sa social media dahil wala naman daw kakuwenta-kuwenta ang kanyang character at ginagamit lang ang popularidad nito para maka-attract ng mga viewers.

Tweet ni Alex, “Kung claim mo na ayaw mo du'n sa tao, I suggest that u stop watching their every move and then stop overreacting about it? ‘Coz that’s not even healthy. Ang sad!”

Sinabihan pa niya itong “Protect your mental health.”

Sa dami ng mga followers ni Alex sa socmed, sinuportahan siya ng mga ito at kinuyog ang bashers.

Naapektuhan ang basher kaya bumuwelta pa rin ng pagtu-tweet sa youngest sister ni Toni.

“Alam mo, mas okay kung nag-tweet ka na lang about sa hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda or mga biktima ng abuse this quarantine. Ang laki ng platform mo, 'teh, pero walang kuwenta.”

Sinundan pa ito ng “Kung puro ka ganyan, mag-deactivate ka na lang. Walang character development.”

Dinepensahan naman ni Alex ang sarili at maging ang kanyang pamilya. Tumutulong daw sila sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

“One example: YES marami pang 'di nabibigyan ng ayuda kaya sa makakaya ng pamilya namin, pinipilit namin na tuluy-tuloy na tumulong. In our business, we are trying our best and finding ways not to lay off people kahit matagal walang sales. Character devt. is not cursing someone in Twitter.”

Pagpapatuloy pa ni Alex, “You’re not even following, and yet you’re tweeting me. See. Nabuwisit ka pa tuloy ng taong buwisit ka na to begin with dahil feeling mo 'di kayo pareho ng ipinaglalaban. Out of sight, out of mind.”

“I-tweet mo na lang 'yung ipinaglalaban mo kaysa mang-away ka. I still appreciate you,” huling sabi ni Alex.

Isang netizen naman ang nag-call ng attention ni Alex. Aniya, “I honestly find Alex Gonzaga annoying 'coz she does not know how to limit giving insensitive remarks."

Isa namang netizen ang nagsabi na ang pangalan ni Alex Gonzaga ay “Synonymous with being bobo, moron, stupid and insensitive.”

Nalulungkot daw siya para sa fiancé ni Alex at sana raw ay matauhan.

“The guy deserves much better.”

Awww!

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Post ni Enchong Dee sa kanyang socmed account tungkol sa kinalabasan ng congressional hearing nu’ng Monday para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, “This hearing only shows no matter how much facts and documents we present in the house, paikut-ikot at paulit-ulit lang sila. Wasting time and wasting taxpayers' money is obvious.”

Which is true naman, dahil ang mga itinanong sa Kongreso ay tanong din ng Senado at ‘yun ay ang citizenship ng nagmamay-ari ng ABS-CBN.

Sinang-ayunan din ng netizen ang post ni Enchong.

“Ang bago lang, 'yung 50-year franchise, pero puwede namang bigyan ng panibagong franchise kasi maraming companies na more than 50 years na sa serbisyo,” ani ng isang netizen.

“Tama si Enchong, kahit ano pa ang isagot ng ABS, may mga taong sarado ang utak at ipagpipilitan ang kanilang paniniwala. Mukhang merong gustung-gustong makakuha ng franchise kaya ganu'n na lang ang paninira sa ABS.”

"Talagang nakakainit ng ulo ang hearing kanina, parang kanta lang ni Sarah G… Ikut-ikot lang, ikut-ikot... ikot! Ilang beses nang nasagot 'yan, hay, susmiyo!”

Isang netizen naman ang may ganitong komento na sana raw ay masagot ng aktor, “Enchong, sana, masagot mo, ano'ng masasabi mo sa corporations na humahanap ng paraan para bumaba ang buwis? Bakit naman sina Warren Buffet at Bill Gates, sila ang nagsasabing taasan pa ang tax nila at mayaman naman daw sila.”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

May joke na ipinost si Vice Ganda sa socmed account niya na hindi nagustuhan ng mga netizens kaya binash na naman siya.

Ayon sa mga netizens, tigilan na niya ang pagkakalat ng toxic positivity dahil mas marami raw mga pressing matters at isyu sa Pilipinas.

Sinagot ni Vice ang mga netizens na irespeto kung ano ang views niya sa social media dahil inirerespeto niya ang mga ito. Otherwise, i-unfollow na lang daw siya.

Ani Vice, “Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdaraanan n'yo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko, please continue following me. Salamat po."

Dagdag pa ng comedian-actor-host, "Pero kung ayaw n'yo sa 'kin at sa mga tweets ko, pls. do yourselves a little favor, please unfollow me. Don't allow me to annoy you. And don't be a toxic follower.”

Ipinagdiinan niya sa online community "to stop being a toxic follower."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page