top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

SPEAKING of Coco, nababalitang hindi na raw activated ang Instagram account niya.

Ayon sa isang follower ng actor, nagtataka siya dahil hindi niya mahanap ang socmed account ni Coco.

Ang mga followers ng actor ay mahigit 3 milyon. Nang i-search daw ng follower ang account ni Coco, ang lumalabas ay ‘Sorry, this page isn’t available.’

May 26 nang huli siyang nag-post sa Instagram, ilang oras makalipas ang unang hearing ng Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise.

Post ng actor, “Lalaban kami at maninindigan!!!” patungkol umano sa hindi makatarungang pagpapasara sa istasyon.

May isa pa siyang post, “Lumaban para sa karapatan at manindigan para sa bayan!!!”

So, ano kaya'ng dahilan ng biglang pananahimik ni Coco Martin?

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Dahil magri-resume na ang ilang programa ng ABS-CBN, sinabi ni Piolo Pascual na nakatanggap na siya ng call slip para sa taping ng ASAP. Si Papa P. ay regular main host ng nasabing Sunday variety show.

Kasalukuyang nasa farm niya sa Mabini, Batangas ang guwapong actor-host. Ayon kay Papa P, tulad ng ibang empleyado, expected na niyang back to work na sila simula nu'ng June 1, ang unang araw nang ideklara na nasa ilalim na ng general community quarantine ang Metro Manila.

Sa pagkakaroon ng pandemic, inamin ng aktor na ang mga proyekto nilang naka-sked para sa kumpanya niyang Spring Films ay nabawasan ng budget.

Esplika niya, “I just had a meeting with Spring Films. We agreed to cut our projects in half. We can’t accommodate all anymore because of the expenses that would be incurred with all the safety guidelines we have to abide by.”

Kaya kahit na wala pang vaccine na lunas para sa pandemya, kinakailangan nang magbalik-trabaho para ma-revive ang ekonomiya.

“It is what it is. We really have no choice. We have to adjust for the sake of the community,” ani Papa P. sa isang panayam.

Sa pagri-resume raw ng A.S.A.P., lahat sila ay naka-locked-in.

Paliwanag pa ni Papa P, “It’s going to be hard to adjust. We are still feeling our way around. People will have to be more cautious and sensitive to the needs of others. Traydor kasi ang kalaban natin.”

“Can you imagine us doing new episodes in just a matter of days? It’s going to be really hard. That’s why we were given homework,” dagdag pa ng aktor.

Ibinahagi rin ng aktor na bago pa mag-umpisa ang lockdown ay nasa farm na ang buo niyang pamilya, kasama ang kanyang ina. Hindi naman daw siya nahirapang mag-adjust dahil homebody talaga siya.

Habang nasa kanyang farm, nalaman ni Papa P na may skills siya in terms of farming.

“I discovered that I … [have] a green thumb!”

Nagtanim daw siya ng mga gulay like cabbage, pechay, eggplant at okra sa itinayo niyang (kung tawagin niya ay plant nursery) sa likod ng kanyang mansion.

“They’re my babies!” tawag niya sa kanyang mga pananim.

“I would visit them every morning and would get excited when I see them slowly sprouting one by one. It’s my first time to try farming, but I’ve always wanted to grow my own food,” sambit pa ni Papa P na naging ambassador din pala ng Department of Agriculture nu’ng 2018 via “Be RICEponsible” campaign.

Ipinagmamalaki pa niyang habang naka-ECQ ang Luzon, ang kinakain nila ay mula sa sarili niyang pananim.

“This is one of the projects I started when we came here in March. We also have a poultry,” pagkukuwento pa ni Papa P.

Kaya lang, kapag nag-iingay na raw ang mga manok sa umaga or may interview siya sa phone ay napapahiya siya. Nag-e-explain pa raw siya sa kausap na ingay ng mga alaga niyang manok ang naririnig nila.

Pero, na-appreciate naman daw niya kung nasaan siya nu'ng panahon ng lockdown.

“Everything here is self-sustainable. Everyone plants his or her own product. We raise our own goats and chickens.”

Ang bongga naman nu'n!

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Ayon kay Megastar Sharon Cuneta, naniniwala siyang may taong talagang ayaw i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kahit nasagot na ang lahat ng alegasyong ibinabato sa Kapamilya Network.

May ini-repost si Shawie sa Twitter at ang caption niya rito: “Lahat po ng mahahalagang katanungan ng pagdududa ay nasagot nang napakaraming beses. Paulit-ulit na lang. Parang pinapahaba lang nang pinapahaba. WALANG MALI SI MR. GABBY LOPEZ. Parang meron lang talagang ayaw i-renew ang franchise ng ABS-CBN. Nakakalungkot, eh. Baka kung mag-guest na lang sila sa ASAP o SHOWTIME, baka naibalik ang DOS sa ere at 'di na nila kailangang magpasiklaban sa hearing at sisikat na sila. #Repost darla with @get_repost.”

“Klarung-klaro naman po, ewan ko sa iba,” sabi pa ni Megastar.

Ang hinala nga ng ibang netizens, baka may ibang gustong makuha ang franchise ng ABS-CBN.

Isang netizen ang nagsasabing may pinatatamaan daw ang Megastar.

“Someone… parang pinatatamaan niya na iba ang karakter ng taong ito sa mga pinagsasasabing mababait at mapagpatawad na mga pananalita sa ginagawa nito sa likod ng telon! Two-face!”

“Grabeng administrasyon na ito! Failure na nga ang laban kontra Covid, may Anti-Terrorism Bill pang super unnecessary, tapos ABS-CBN's closure. Sa 16M bumoto sa kanya, ano na kaya ang pakiramdam nila ngayon?”

May naniniwala namang mabibigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network.

“I believe Congress will eventually renew the franchise of ABS-CBN. But sa ngayon, nagpa-power tripping lang ang ilang politicians just to show the officials of ABS and the public that they are "powerful" and that kaya nilang gipitin ang isang tao, groups and/or company kung gugustuhin nila kahit na alam naman natin na hindi tama ang ginagawa ng mga pulitiko na ito. I think, bago mag-SONA si Duterte sa July, mari-renew na ang franchise ng ABS dahil gagamitin nila ang issue bilang papogi points sa masang Pilipino.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page