top of page
Search

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 15, 2024




Umaarangkada ang love team na SnoRene nina Maris Racal at Anthony Jennings, dahil nagkaroon sila ng music video ng ‘Iyo’ ni Darren Espanto kung saan ang sweetness at chemistry nila ay iba.


Alam agad ng mga viewers ng “Can’t Buy Me Love’ ang naturang kanta dahil kinanta ito ni Darren sa isang Chinese New Year episode ng serye bilang Stephen kay Ling na ginagampanan naman ni Belle Mariano.


Kaya naman malaki ang ikinagulat ng mga netizens at fans ng SnoRene na ang nasabing theme song ay hindi para kina Ling and Stephen kundi para kina Snoop at Irene pala.


Ang SnoRene ay nakilala sa hit Netflix series na Can’t Buy Me Love na characters nila sa teleserye na sina Snoop and Irene.


Tuwang-tuwa naman ang mga fans nila dahil sa music video, mukhang dalang-dala nina Maris at Anthony ang kanilang characters sa serye.


Sey naman ng netizen sa video “'Yung mukha namang seryoso pero mukha pa ring comedy.”


Samantala, pinag-uusapan sa social media ang video clips nina Snoop and Irene na masinsinang nag-uusap sa isang episode ng serye patungkol sa pagbubuntis ni Irene at handa raw itong panagutan ni Snoop.


Kitang-kita naman na hindi lang pang-rom-com scenes magaling sina Maris at Anthony kundi pati na rin sa mga serious scenes.


Sobrang abang na abang na ang mga fans ng dalawa sa upcoming episode ng serye, kung totoo bang buntis si Irene o hindi at kung may nangyari talaga.


Sila na nga ba ang next level ng DonBelle love team?

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 1, 2021



Bukod sa panayam ng TV Patrol kay Manny Pacquiao last Wednesday, September 29, isang 14-minute video ang ipinost ng Pambansang Kamao sa kanyang social media pages, kung saa'y nagpapasalamat si Manny sa kanyang mga supporters sa buong mundo, lalung-lalo na sa mga kababayang Pinoy na sumuporta sa kanya for the past 26 years ng kanyang boxing career.


"It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over. Today, I am announcing my retirement.


"Thank you for changing my life. When my family was desperate, you gave us hope, you gave me the chance to fight my way out of poverty. Because of you, I was able to inspire people all over the world. Because of you, I have been given the courage to change more lives," pahayag ng boxing icon at senador.


Ang desisyong pagreretiro ni Manny ay bunsod ng kanyang nakakalungkot na pagkatalo sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas in Las Vegas on August 21.


Sa panayam kay Manny nitong Wednesday, September 29, kanyang nasambit na, "Just heard the final bell. Tapos na ang boxing."


Samantala, nagpahayag naman ng kanyang suporta at pagmamahal ang asawang si Jinkee pagkatapos ianunsiyo ni Manny ang kanyang pagreretiro sa boxing.


Ini-repost ni Jinkee ang "Goodbye Boxing" video ni Manny sa Instagram at kanyang inalala kung paano siya nag-aalala para sa asawa tuwing sumasampa na ito sa boxing ring, lalo na kapag mas malaki at matangkad kay Pacquiao ang kalaban.


"But you were always full of faith and faced your opponents with courage," sey ni Jinkee.

Nagpapasalamat din si Jinkee sa Panginoon sa araw-araw for keeping her husband safe. She also credited God for Manny's successful and decorated boxing career.


"We are filled with gratitude and love, Jesus," dagdag pa ni Jinkee.


Mensahe pa nito kay Manny, "Babe, we are always and forever here by your side. I love you."


Umulan din ng simpatya mula sa gaya niyang athlete at sports anchor ng TV5 na si Gretchen Ho ang desisyon ni Manny.


"Feels like the end of an era.


"Mad respect for the fighter that you always were inside the ring, as a young athlete, I’ve always admired you for being the smart, gritty, lightning-speed boxer that you were and absolutely never running away from a fight. You take your wins humbly and your losses with your head held up high, leaving it all out on the ring.


"Thank you for one heck of a career and for putting the Filipino athlete on the world map. Saludo," sabi ni Gretchen.


 
 

ni Lolet Abania | September 13, 2021



Isang kandidata sa Miss Universe Philippines ngayong taon, ang bumitaw na sa kanyang laban para sa korona matapos na tamaan ng dengue.


Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, inianunsiyo ni Joanna Marie Rabe ng Zambales ang kanyang pag-atras sa kompetisyon.


“With great sadness, I would like to inform you that my Miss Universe Philippines journey has been cut short,” ani Ms. Rabe.


“I got dengue fever earlier this week and my doctors [advised] that I would need more time to recover my strength,” dagdag pa niya.


Pinasalamatan naman ng beauty queen ng Zambales ang kanyang mga kaibigan, pamilya at supporters sa tulong at suporta sa kanyang naging journey.


Umaasa rin si Joanna Marie na muli silang magkikita-kita aniya, “in a bigger stage and much brighter circumstances in future.”


Si Joanna Rabe ay napili bilang isa sa Final 30 delegates na nakatakda sana para sa next round ng Miss Universe Philippines 2021.


Matatandaang isa ring kandidata, si Gianne Asuncion ng Cagayan, ang umatras sa kompetisyon noong nakaraang buwan matapos na magpositibo sa test sa COVID-19. Si Gianne ay umabot lamang sa Top 50.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page