top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 11, 2024




Hindi napigilang maging emosyonal ng Ben&Ben member na si Agnes Reoma sa kanyang Instagram story kung saan ibinahagi niya ang pagkagusto sa international singer na si Ed Sheeran.


Kuwento niya, "As a broke college girl, wala akong pambili noon sa concert ni Ed kahit sobrang fan ako. He even used to be my wallpaper sa phone nu'ng music school days pero tingnan mo nga naman ang universe. Grabe mag-surprise.


Solid, still can't believe last night happened 😭."


Dagdag ni Agnes, plano raw pala 'yun ng universe.


"I guess, ang gusto ko lang sabihin ay minsan, 'yung mga heartbreaks natin - like when I wasn't able to buy ticket to his show, part pala 'yun ng plan ng universe. Never thought I'd meet him this way for the first time 🥹," saad niya.


Matatandaang kamakailan ay kasamang nag-perform ng Pinoy band na Ben&Ben si Ed sa concert nito sa bansa nu'ng March 9.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 10, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 10, 2024




Bibisita ang South Korean idol group na iKON sa Pilipinas para sa isang solo concert sa Abril 2024.


Sa social media, ibinahagi ng concert promoter na CDM Entertainment ang isang clip ng K-pop group na nag-aanyaya sa mga Pinoy iKONICs na manood ng kanilang "Limited Tour - Get Back," sa Abril 7 sa Smart Araneta Coliseum.


Huling bumisita ang iKON sa bansa noong Agosto ng nakaraang taon para sa kanilang "Take Off in Manila" concert.


Binubuo ang grupo ng anim na miyembro na sina Jay, Bobby, Ju-ne, Song, DK, at Chan. Nag-debut sila noong 2015 sa kanta na "My Type," at sila ay kilala sa kanilang mga kanta na "Love Scenario" at "Killing Me."

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 29, 2024




Tagumpay ang paglipat ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa ipinatayong dream house na mula talaga sa pagtatrabaho n'ya sa showbiz.


Pagbabahagi ng aktres sa panayam sa "Updated with Nelson Canlas” podcast, hanggang ngayon daw ay natutulala siya kapag tinitingnan ang kanyang bagong bahay.


Sey ni Carla, hindi siya makapaniwalang nalagpasan n'ya ang mga pagsubok bago maipatayo ang pangarap niyang bahay.


“Ito na ‘yung matagal ko nang - in a way, dream or wish, na magkaroon ako ng sarili kong bahay. Maipatayo ko siya. ‘Yung mismong design,” ani Carla.


Tinatanong na lang daw minsan ng aktres ang sarili kung pa'no naging posibleng tinitirhan n'ya na ito ngayon dahil sa bilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page