top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Nainterbyu ng programang Moving On sa Magic 89.9 FM si Julia Barretto nu’ng Monday night.

Naitanong ng dalawang DJs na sina Sam YG at Gino Quillamor ang love life ng actress.

Ayon kay Julia, "My heart is fine right now, actually… thankfully."

Dugtong pa niya, "It’s happy right now… it’s very happy.

"But I think, as to whether I’m single or not, I think I’m not gonna answer that for now.”

Hindi nagbigay ng detalye ang aktres kung sino ang sinasabing love niya ngayon.

"I’m gonna protect it with all that I have," aniya.

Alam daw niyang nababahala ang mga tao kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Hindi raw niya maise-share nang lubusan ang tungkol sa kanyang love life dahil ‘yun daw ang natutunan niya sa past relationship niya.

Sey pa ni Julia, "If there’s something that you really wanna last and work out, protect it as much as you can.

"Don’t share too much about it.

"Don’t share so much about a relationship that is supposed to be just between two people."

Esplika pa ng aktres, "I think, the less people know about something, the less they could have an opinion about it."

Hindi man niya sinabi kung nasa showbiz o non-showbiz ang guy, nagbigay naman siya ng taglay ng katangian nito.

"Someone intelligent and a good conversationalist," ani Julia.

***

Ipinapahiya pa raw…

Alden, ayaw palapitan sa mga babae, manager todo-bakod at harang

Sino kaya ang pinatutungkulan ng manager ni Alden Richards na si Carlites de Guzman sa kanyang social media post?

Aniya, “May BF ka, alam mo 'yan.. Mahiya ka naman, hanap ka na lang ng ibang puwede mong gamitin.

“Hindi lahat ng bagay sa mundo nadadaan sa kinis, madaming babaeng flawless, hindi naman malinis.”

Sabi ng mga netizens, gumagawa lang daw ng istorya ang manager para mapag-usapan ang alagang si Alden. Baka raw kasi biglang malaos lalo na’t panahon ng COVID at walang isyu sa mga artista.

Sey ng isang netizen, “Gawa-gawa ng issue para umingay ang natutulog na career.”

May netizen din na nagsasabing ang tinukoy daw ng manager ng aktor ay ang gamer na binigyan ni Alden ng 100 stars at sinusuportahan niya sa online game.

Komento naman ng iba pang netizens… “Ano’ng issue sa AlCake? Ba't ba meron pa nito, eh, natuldukan na ito, ah?”

“Hahaha! Kaya kawawa ang mga nali-link kay Alden, eh.. Selosa ang ibang fans lalo na ang manager niya na si Carlites, lol.”

“Juskopo, ka-cheap-an para sa naghihingalong career ni pabebe this boy, hahahaha!”

“Grabe 'yung manager, ang bastos sa babae. Naglabas na ng statement 'yung girl para tuldukan 'yung AlCake, nagpaparinig pa itong manager. 'Di lang pala fans ni boy ang toxic, pati mismong manager."

"OA ng manager ni boy. Madami pa namang natutuwa sa AlCake sa gaming community, daming fanboys, sabay tutol pala ang manager, haha! 'Kaloka."

Depensa naman ng iba sa girl, “Si Alden ang pagsabihan n'yo kasi siya naman nauna. Puwede naman anonymously mag-support kaso ginamit niya ang real account niya at nagpapadala siya ng minimum 1k stars kaya mapapansin talaga siya.”

“Ay, wow, maybe he just wants to break free and have gamer friends? Or, I don't know, a life? Grabe this manager, ha?”

“Eh, si Alden naman ang like nang like at comment nang comment 'pag nagla-live streaming si Bianca ba 'yun.”

May kumampi naman sa manager ni Alden at aniya, “Can’t blame the manager. Magaspang and oportunista si girl.”

Ang iba naman ay nagsasabing kaya wala pa raw girlfriend si Alden ay dahil nga toxic daw ang mga nakapaligid sa aktor.

Anila, “'Yung akala mo fans lang ni boy ang toxic, 'yun pala reyna ng ka-toxic-an din 'tong manager niya.. No wonder wala pa rin GF 'tong si Alden, napapalibutan ng toxic at mga possessive na tao.”

Sabi naman ng isang netizen, “Pansin ko lang, parang hindi professional ang mga managers ng mga artista. Hindi ko naman nilalahat pero may mga ganu'n talaga. Siyempre, they handle their artist and they represent them so they are also part of the image. So dapat, careful din sila sa mga sinasabi nila, hindi 'yung talagang sadya pang nagpaparinig sa social media.

"Hindi na dapat pinapatulan at pinapalaki ang mga ganitong bagay. Mas bumababa lang 'yung image ng artista. Tsaka bakit kailangang pag-aksayahan ang maliit na bagay? Ganu'n ba talaga kalaki ang ikakasira sa image ni Alden? Kung gusto i-address ang issue, talk in a professional way,

hindi 'yung ganito na nang-aatake at namamahiya pa.”

Sadyang mahilig daw talagang manghiya ng mga babaeng nali-link kay Alden ang manager niya.

“Actually, noon pa 'yan, ipinapahiya ang mga babaeng nali-link kay Alden. Lagi ang babae ang may mali at kung anu-ano pang panghuhusga sa kanila.”

***

BILLY, BABU SA TOMA AT YOSI DAHIL KAY COLEEN

Sa panahon ng paglilihi ni Coleen Garcia, sinabi ni Billy Crawford na siya ang nagsusuka at umuubos ng mga pagkaing kinakain ng kanyang misis.

Nararanasan din daw niyang mag-morning sickness. Pero masaya ang host-rapper dahil maganda ang pasok ng 2020 sa kanilang buhay na mag-asawa.

Ayon kay Billy, malaki ang nabago sa kanyang buhay magmula nang maging girlfriend niya si Coleen at napangasawa.

Aminado siyang alcoholic at malakas magyosi. Pero, naalis daw niya ang lahat ng bisyo dahil sa pagmamahal sa kanyang misis.

Ayon pa kay Billy, napagsabihan nga raw siya ng kanyang doctor na "If you are trying to start a family any time soon, now is not the right time because your body is full of toxins. It wasn’t the proper lifestyle of a man.'"

Sabi ni Billy, "'Wow, there were a few errors in my lifestyle. I kind of have to change.’ It didn’t take overnight for me to change. It took years.”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Ayon sa mga netizens, sobrang OA (overacting) na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista. Muli na naman kasing nag-post si Heart sa kanyang social media account na kumakain ng pancit canton habang kuntodo-makeup, wearing sunglasses at nakasuot ng napakagarbong damit.

Kamakailan lang ay ginawa na rin ni Heart na namimili lang ng corned beef ay kuntodo-porma pa siya.

May mga naaaliw sa bawat post ng Kapuso actress sa kanyang socmed, pero meron namang hindi natutuwa at sinasabihan siyang maarte at sobrang kulang sa pansin.

Sa post ni Heart na kumakain ng pancit canton, nilagyan niya ito ng caption na: "Sometimes I workout, and sometimes I do this..."

Nakaagaw ng atensiyon sa Kapuso actress ang komento ng netizen kung saan sinabi nitong pinagtatakpan lang daw ng magaganda niyang kasuotan ang kawalan niya ng talent at personality.

Sey ng netizen, "The beautiful clothes make up for the talent, and personality.

"I just wonder, is she interesting without these expensive pieces?"

"I bet she knows that already that's why she dresses like that even in quarantine."

Hindi naman nagpatalo ang aktres. Sagot niya sa netizen, "Lol, glad you feel good about yourself now."

Sabi naman ng isang netizen, "Sobrang OA mo, nasa bahay ka lang, ganyan hitsura mo. Napakaarte mo."

Ever since naman ay aminado si Heart na maarte talaga siya, pero wala naman daw siyang tinatapakang tao sa KAARTEHAN niya. Kaya ang sagot niya sa netizen, “Super!!”

Eh, sino ba naman ang hindi makakapansin sa magarbong kasuotan ng misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero?

Ang dress na design ni Chris Nick ay worth P10K to P15K at ang Fendi sunglasses ay around P15K to P20K. Idagdag pa riyan ang Chanel pillow na for sure, sobrang expensive rin.

Kaya ang komento ng iba, "Magkano po ang price ng pancit canton at ano pong brand 'yan?"

***

ANGEL, 'DI PA RIN MAKALIMUTAN ANG EX NA SI MIKO KAHIT IKAKASAL NA KAY NEIL ARCE

Yearly, kapag sumasapit ang birthday ni Miko Sotto, ang pumanaw na ex-boyfriend ni Angel Locsin, hindi nakakalimutan ng aktres na batiin ito. Yesterday (May 10) ang dapat ay ika-38 birthday ni Miko.

Sa socmed account ni Angel ay nag-post ng larawan ang aktres ng puntod ni Miko. Nilagyan niya ito ng caption na: "R.I.P. HAPPY BIRTHDAY, MIKO."

Si Miko ay anak nina Ali at Maru Sotto (kapatid nina Vic, Tito at Val).

Namatay si Miko sa edad 21 nu’ng December 29, 2003.

Magkarelasyon sina Angel at Miko nang sumakabilang-buhay ang dati ring aktor.

Very tragic ang ikinamatay ng anak ni Ali, nahulog sa 9th floor ng kanyang condo unit.

Since then, tuwing sumasapit ang birthday ng kanyang first boyfriend ay hindi ito nakakalimutang batiin ni Angel.

Komento nga ng mga netizens, “In fairness kay Angel, consistent talaga siya pagdating kay Miko and at least, mature enough si Neil (Arce) na hindi bothered dito lalo pa't ikakasal na sila.”

May nagsasabi namang mahirap daw makipag-compete sa taong patay na. Malawak daw ang isip ni Neil kaya naiintindihan nito ang kanyang fiancée.

“Akala mo lang 'yan, baks. Of course, deep down inside, it hurts knowing that your jowa still thinks of her former BF. Somehow you’ll be insecure 'coz kalaban mo, patay,” ayon naman sa isang commenter.

 
 

Claudine, dedma sa pagpapasara sa Dos, tinawag na walang utang na loob ng netizens

Tanong ng netizens, bakit daw nananahimik si Claudine Barretto? Hindi raw nila nakikitang sinusuportahan ng aktres ang ABS-CBN nang biglang ipasara ito ng NTC nu’ng May 5, 7:52 PM.

Kahit nu’ng ipinaglalaban ng mga taga-ABS-CBN at ibang artists ng network ang franchise na humantong pa sa Senado ay tahimik lang din daw ang aktres.

Sa isang post ng Optimum Star sa kanyang Instagram account, komento ng isang netizen, “How dare you not showing any support for ABS-CBN! Walang utang na loob!”

Agad namang sumagot ang 40-year-old actress ng, “How dare you too?”

Ang mga fans naman ni Claudine ang sumagot on behalf of her.

Anila, “I salute Ms. Claudine for being silent about ABS-CBN shutdown.. Mas okay manahimik na lang kesa magsalita.. I know in Claudine’s heart.. malungkot din siya sa nangyari pero mas magandang manahimik na lang.. love you Clau.. you’re still my idol and my best actress.”

“Law is law, no one is above the law…. Mas okay nang tahimik.”

Si Claudine ay matagal namalagi sa Kapamilya Network and after awhile, lumipat sa Kapuso Network.

Hindi siya nagtagal sa GMA-7 at bumalik muli sa dating home studio, ang ABS-CBN.

Nitong pagpasok ng 2020, may mga projects na dapat siyang gagawin pero dahil nagkaroon ng enhanced community quarantine, pansamantalang nahinto ang mga proyekto.

♥♥♥

Mayor Goma, nambara ng taga-gobyerno dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN

Viral sa social media ang sagot ni Ormoc Mayor-cum actor Richard Gomez nang hingan ng reaction hinggil sa ABS-CBN shutdown.

Ang mismong nagtanong kay Mayor Goma ay si PCOO Usec. Rocky Ignacio.

Tanong ni Usec Rocky, “Ano po 'yung mensahe naman ninyo doon po sa network at mga kapwa artista n'yo doon sa nangyari sa ABS-CBN?”

Sagot ni Mayor Gomez, “Naku, baka mas maganda yata na kayo ang sasagot niyan dahil kayo ang nasa gobyerno na nagpahinto sa pag-broadcast ng ABS-CBN.”

Shocked si Usec. Rocky sa sagot ng aktor-pulitiko.

Dahil kita sa TV ang facial expression ni Usec. Ignacio sa sagot ni Goma, ang daming komento ng mga netizens sa kanya at anila, “Kanta bayan? BURNNNN this way hahahhaha@PTVph Interview pa more.”

“Naku USEC, ilang laway ba ang nalunok mo at natigilan ka sa sinabi ni Mayor Goma?”

“Arayyyy ko tagos talaga.”

“Ahaha, ito 'yung moment na nakangiti ka pang nagtanong pero pahiya sa isinagot, but kahit pahiya, nakangiti pa rin, mukha namang plastik.”

“Kawawa naman si Usec... Masakit kaya sa lalamunan ang pagpigil na lunok ng laway!”

“Biglang nag-iba 'yung mukha, back to you boom! Hahaha... .Goma.”

Naniniwala si Richard na pansamantala lang ang shutdown ng ABS-CBN.

Nananawagan din siya sa gobyerno na isyuhan na ng provisional permit ang Kapamilya Network para makabalik na sila sa ere.

♥♥♥

Daniel, binantaan ang mga kaibigang sobrang saya pa sa pagsasara ng Dos, hinding-hindi raw makakalimutan

May post si Daniel Padilla na isang babala para sa mga taong malalapit sa kanya.

Ani Daniel, “Sa mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ko dito na ginagawang katatawanan ang nangyayari ngayon dito sa ABS-CBN, 'wag kayong mag-alala dahil HINDI AKO NAKAKALIMOT.”

Nag-second the motion naman ang kanyang ina na si Karla Estrada sa mismong account niya.

Sey ni Karla, “Oo, ako rin anak. Bilog ang mundo at lahat ay lumilipas, nakikita ni LORD lahat 'yan (with prayer emoji).”

Sey naman ng isang netizen, “Ibig sabihin, hindi na makakahingi sa kanya. Tama lang sinabi ni Daniel. Trabaho niya 'yung naapektuhan, eh. His friends laughing at the shutdown of ABS-CBN also means they're laughing that Daniel lost his job.”

Kaya siguro nakapagsalita ang mag-ina ng kanilang sentimyento ay dahil baka may naririnig o nakikita silang pinagtatawanan ng mga taong malalapit sa kanila ang nangyaring shutdown ng ABS-CBN.

Komento pa ng ibang netizens, “Hindi naman magsasabi ng ganyan si DJ kung wala siyang nakita. Mabait si DJ at madaling lapitan lalo na kung kailangang-kailangan, hindi ka magdadalawang-salita d'yan.”

“Masakit nga naman kung ang mga taong tinulungan mo ang siya pang hindi susuporta sa ‘yo.”

♥♥♥

Erwan at Nico, patalbugan sa pa-Mother’s Day greetings kina Anne at Solenn

First time na nag-celebrate ng Mother’s Day ang maghipag na Anne Curtis at Solenn Heussaff.

Si Erwan Heussaff na mister ni Anne ay brother ni Solenn.

Parehong may mensahe ang kanilang mister na sina Erwan at Nico Bolzico para sa Mother’s Day.

Isang video ang ipinost ni Erwan kung saan nagsasayaw ng waltz si Anne sa instrumental version ng A Dream Is A Wish Your Heart Makes mula sa Disney movie na Cinderella.

Kalung-kalong ni Anne ang baby nilang si Dahlia Amelie kung saan na-witness ni Erwan ang intensity of a mother’s love habang isinasayaw ni Anne ang kanilang anak.

Ang mensahe ni Erwan, "I keep thinking that I see you at your happiest, but I still get proved wrong every day.

"I never truly understood the intensity of a mother's love, because I don't remember being a newborn, but now I know it looks something like this.

"A quiet little dance, eyes locked on each other, completely oblivious to your surroundings.

"You're such a natural mom @annecurtissmith. Happy 1st mother's day."

Binigyan din si Anne ng Mother’s Day cards ng kanyang ina at brother na si Thomas kalakip ang napakagandang bouquet.

Ang husband naman ni Solenn na si Nico ay may Mother’s Day letter sa kanya on behalf of their baby Thylane Katana.

Isa ring video kung saan pregnant pa si Solenn until Thylane came out hanggang sa present days na magkakasama na silang tatlo ang ipinost ni Nico. Kunwari ay si Thylane ang nagsasalita, umpisa ni Nico… "Hi Mama, how are you?

"El Padre told me today is your special day so I prepared something for you."

Pagpapatuloy ni Nico as Thylane, "I know I was not an easy baby when I was in your belly, but I was just a little scared, that's all.

"But we still had some fun as a family.

"But you were so brave mama.

"Always assuring Papa that everything was going to be fine.

"Today is your special day, but to me, every day is special with you.

"You gave me my life, but that is nothing in comparison with the love and caring I received from you every day.

"Thanks for being the best mama in the world and for always taking care of Papa and me.

"We love you so much. Happy First Mother's Day!”

Pareho namang na-amaze sina Anne at Solenn sa inihandang Mother’s Day greetings ng kani-kanilang mister. At very lucky daw sila dahil sobrang grateful pala ang maging isang ina lalo na raw kapag dumarating ang ganitong okasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page