top of page
Search

ni Cristine Marish Rivera (OJT) @Entertainment | Feb. 11, 2025



Photo: Marian Rivera at Dingdong Dantes - Instagram


Marian Rivera at Dingdong Dantes, reel to real. Paano? Got you, besh! Ang iniidolong couple ng karamihan, paano nga ba nagsimula? Sagot ko ‘yan, dito sa Reel to Real!


Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang mag-asawang Dingdong at Marian, pero don’t get me wrong ha, ang ibig kong sabihin, sikat pa rin sila at idol ng karamihan kahit bilang mag-asawa.


Nagsimulang magkatrabaho ang dalawa sa remake ng Pinoy teleserye na “Marimar” noong 2007 at dito itinanghal sila bilang GMA’s Primetime King and Queen.


Photo: Dingdong at Marian - Instagram Marian Rivera-Dantes


Base sa ilang panayam noon ni Marian, hindi umano sila magkasundo ni Dingdong at nasusupladuhan ito sa aktor.


So, saan nagsimulang magbago ang lahat? Maraming nagsasabing nagsimula silang ma-develop pagkatapos ng Marimar, pero ang love story nila ay nag-umpisa talaga noong 2008 hanggang 2009 kung saan ginagawa nila ang “Dyesebel” at “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.”


Fast forward, February 2010, ibinunyag ng dalawa ang special relationship nila sa isang exclusive magazine cover. Matapos ang tatlong taon, sigurado na si Dingdong na si Marian ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Nag-propose ang aktor kay Marian not once, but twice.



Sana all! Unang nag-propose si Dingdong sa Macau noong August 2012. Nangyari ito sa isang ‘Big Dome’ na puno ng butterflies na paborito pala ni Marian.


Sinundan naman ito ng pangalawang proposal sa show noon na “Marian” kung saan nag-propose si Dingdong live, sa harap ng audience na nakasubaybay sa palabas. And then, ikinasal ang dalawa noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral at binansagang “Wedding of the Year.”


Family of four na ang DongYan ngayon. November 2015 nang ipagkaloob sa kanila ang panganay na si Maria Letizia at sinundan naman ni Sixto noong April 2019.


Nitong nakaraang taon, ipinagdiwang ng mag-asawa ang 10th year wedding anniversary na sinabay rin ng pag-renew ng kanilang wedding vows.


Ibinahagi ni Dingdong ang larawan ni Marian na suot ang white dress at hawak ang bouquet ng puting bulaklak habang mangiyak-ngiyak itong naglalakad papunta sa altar.


Pinost din nila ang mga larawan sa nasabing ceremony kasama ang kanilang mga anak. Magmula pa man noon, inaabangan at kinakikiligan ang love story nila dahil sa mala-teleseryeng kuwento ng couple.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 8, 2025



Photo: Darryl Yap - Instagram


Humupa naman ang ingay ng pelikula ni Darryl Yap na The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP) matapos ngang mabigo itong maipalabas sa mga sinehan last February 5 as previously announced.


Bigla ring nanahimik sa paggawa ng mga iskandalosong posts si Darryl na hindi nga na-comply ang mga requirement na hinihingi ng MTRCB bago nila rebyuhin ang movie.

Very silent ang kanyang kampo at tila ‘yung mga tao na naiskandalo sa simula ay tuluyan nang nawalan ng interes.


Pagpapatunay na napakaikli talaga ng retention capability ng mga tao dahil halos araw-araw nga ay may bagong isyu, intriga o usaping nakaka-challenge ng pagiging Marites nila. Hahaha!


Pero huwag daw muna tayong paka-siguro dahil kung lubos daw nating kilala si Darryl, hindi ito ‘yung tipo ng tao na mananahimik lang sa tabi.


“Unless, iwanan na s’ya sa ere ng mga backers n’ya at wala na s’yang pondo para i-sustain ang mga socmed (social media) hanash n’ya,” pagtataray pa ng mga nagsasabing ‘resulta o bunga’ lang ng “HYPE” si Darryl Yap.


Hype raw, oh!


 

KUNG babasahin at papatulan talaga ang bawat komento ng mga netizens sa mga showbiz issues, wala na sigurong lalabas na matinong artista o celebrity.


Hindi pa man nga nag-aanunsiyo ng sinasabing bagong Kapuso host o mga hosts na magiging parte ng bagong Pinoy Big Brother (PBB) ay sari-sari na ang mga negatibong komento.


Lumutang na nga ang names nina Alden Richards, Christian Bautista, Dingdong Dantes, Iya Villania, Gabbi Garcia at Jasmine Curtis Smith na posible raw maging isa o dalawa sa mga bagong hosts ng PBB, pero lahat sila ay tinutulan at sinasabing hindi raw bagay sa show.


Hindi namin alam kung mga loyal fans ba sila ng programa o ng Kapamilya Network na naniniwalang ang lahat ng magagaling at magaganda ay sa bakuran lang ng ABS-CBN matatagpuan.


Na kahit pa nga nagkasundo na ang dalawang networks para sa naturang reality show ay tila may mga sobrang die-hard o delulu pa ring mga supporters na ayaw i-welcome ang business deal ng GMA-7 at ABS-CBN.


Nakakatawang mga pakialamera. Hahaha!


 

Hollywood na ang level… LOVI, KA-SELFIE SINA JENNIFER ANISTON AT SELENA GOMEZ





Sobra rin ang naging pakikialam ng mga nagmamaganda sa ipinost na photos ni Lovi Poe kasama ang mga Hollywood biggies na sina Jennifer Aniston at Selena Gomez.


Sa napakabonggang posts ay makikitang masaya at mala-Hollywood din ang aura ni Lovi kung saan nakapiktyuran nga niya sina Jennifer at Selena sa isang event na dinaluhan nila.


Hindi naman iyon nakakapagtaka bilang nakilala naman nating isang bigating film producer o may koneksiyon sa global film market ang asawa ni Lovi.


‘Yun nga lang, sa dami siguro ng naiinggit sa ganda at yaman ngayon ni Lovi, kahit ang mga pakikipagpiktyuran niya sa mga kilalang celebs ay hinahanapan ng mali o nega.


Ultimo ngiti, ayos ng buhok, at ‘yung pag-akbay ni Jennifer kay Lovi ay ginawan ng isyu na para bang alam na alam ng netizen ang mga dapat na ikinikilos ng mga artista.


Napaka-toxic talaga at may masabi lang ang ilang laging nega ang hinahanap sa mga artista. Hahahaha! Ang tiyaga nila, ‘noh!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 3, 2025



Photo: Juan Karlos - Instagram


Marami ring netizens ang nag-react na sana raw ay inalam muna ng Iloilo City Council ang klase ng mga kanta ni JK Labajo bago nila ito kinuhang guest sa kanilang Dinagyang Festival.


Hindi raw porke’t ini-request ito ng mga tao ay agad na nila itong ibu-book for a live show, gayung kilalang ‘naughty at kakaiba’ ang aregluhan at kantahan ni JK.


Kaya hayun, sa nasabing performance nito ng isang hit song kung saan may mga “mura o pagmumura’ itong ginawa (part ng song na ERE) ay kinastigo ito at pinagagawa pa ng public apology.


Diumano’y nainsulto ng singer ang sensibilidad ng mga tao sa Iloilo City, lalo’t

itinuturing na isang “religious festivity” ang kanilang okasyon, kaya’t dapat lang na mag-sorry si JK.


As we write this, wala kaming balita kung nagawa na ito ni JK pero nakarating na nga raw ang naturang panawagan kay JK at sa management nito.


Well, sure naman kaming gagawin ‘yun ni JK pero ganu’n pa man ay dapat din itong magsilbing leksiyon sa mga organizers na kumukuha ng serbisyo ng mga celebrities. 


Hindi porke’t sikat o kinahuhumalingan ang isang kanta o celebrity ay bagay na ito sa okasyon na ipinagdiriwang nila.


 

Marami ang humanga kay Miguel Tanfelix nang mag-tweet ito kay Zsa Zsa Padilla na nagrerekomendang “silipin” naman ang show na Mga Batang Riles (MBR).


Very vocal kasi lagi si Zsa Zsa sa mga pinanonood nitong TV series at dahil natapos na nga raw niya ang Lavender Fields, naghahanap siya ng bago.


Although nakapagrekomenda nga si Miguel bilang nagbibida siya sa GMA action series na MBR, hindi naman ito agad nabasa o nakita ng singer-actress.


Muli lang itong napag-usapan more than a week after dahil nakapag-post nga uli si Zsa Zsa (Zsasing) na mayroon na siyang bagong pinapanood na Incognito at gandang-ganda siya rito.


Dito na nga nag-post ang mga netizens na sana naman daw ay pansinin ni Zsa Zsa ang matagal nang inirerekomenda ni Miguel.


Hanggang makita at mabasa na nga ni Zsasing at sinagot nito ang aktor ng, “Thanks for the reco! Will watch it next! My apologies, did not see your 

message earlier.”


There it goes! For sure, sisilipin ‘yan ni Zsa Zsa Padilla at tiyak din naming magugustuhan niya ang Mga Batang Riles.


 

MARAMING salamat naman po sa pamunuan at mga kasapi ng PMPC para sa nomination na ibinigay nila sa aming programang Marites University na umere sa AllTV last year.


Sa gaganapin nilang PMPC Star Awards for TV ngayong March 23, nakakuha ng nominasyon para sa kategoryang Best Showbiz-Oriented Talk Show ang Marites University na produced ng Scott Media.


Nakakuha rin ang apat na hosts ng programa kasama ang inyong lingkod ng nominasyon bilang Best Showbiz-Oriented Talk Show Host.


Sa ngalan po ng aming produksiyon, ng mga kasamahan kong sina Jun Nardo, Rose Garcia at Mr. Fu, maraming salamat po PMPC sa nomination.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page