top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 1, 2025



Photo: Kaladkaren at Julius - TV5


Maraming netizens ang naimbiyerna sa pagka-Marites umano nitong si Julius Babao.

Sa huling parte raw kasi ng kanilang news program sa TV5 kung saan kasama nila si Kaladkaren bilang isa sa mga hosts ay tila buong-giting nitong tinanong ang huli kung totoo bang nakipaghiwalay na ito sa asawa?


“Kitang-kita na hindi naging komportable si Kaladkaren o si Jervi Wrightson sa tanong ni Julius, nakakaloka!” komento ng isang netizen.


“Uy, Julius, wala ka sa vlog mo. News program ‘yan. Hindi ka rin si Tito Boy (Abunda). Napaka-unprofessional mo naman,” sigaw pa ng marami sa inasal nga raw ni Julius.


Wala mang isinagot si Kaladkaren pero halata nga rito na naging uncomfortable at tila nahihiya sa inasal ng co-anchor. 


Kung may pinagdaraanan man sina Jervi at Luke, hindi nga naman tama na umasal ng ganu’ng pagtatanong si Julius. 


At dahil hindi nga ready si Jervi na sagutin ‘yun, malamang na gusto nito ng privacy o baka inaayos pa ang dapat.


“Hay, naku, parang nagiging sobra na ang pagka-Marites ni Julius na nadadala na n’ya sa seryosong news program ang ginagawa niya sa vlog niya,” hirit pa ng netizen.


 

Ibinulgar ng hipag sa socmed…

ERVIC, BINUGBOG ANG UTOL


USAPANG pamilya naman ang sentro ng paglabas ng socmed (social media) post ng hipag ni Ervic Vijandre.


Ipinakita pa nito ang bugbog-saradong pagmumukha ni Erwin, ang nakababatang kapatid ni Ervic, na nagbakasyon pala sa bansa kamakailan.


Kasama ang pamilya ni Erwin, mayroon umanong mga family issues na naungkat at nag-trigger daw kay Ervic na saktan ang kapatid.


Although nadala sa presinto ang usapin, nagkasundo umano ang magkapatid at hindi na nga kinasuhan ni Erwin ang kuya niya.


Subalit nang nakabalik na raw sa America ang pamilya ni Erwin, tila may nasaling na naman umanong ‘pride at isyu’ si Ervic na ikina-react nga ng mag-asawang Erwin at Jaye Vijandre.


Diumano ay tila nang-iinsulto pang binati ni Ervic ng happy birthday ang kapatid para sumabay daw ito sa pagpapakita sa madla na isa siyang mabuting kapatid at public servant. 


“Helping others for his good politician image,” bahagi pa ng na-repost na pahayag ni Jaye, kasama ang mga pictures ng asawa na bugbog-sarado ang mukha.


Nagdulot umano ng malubhang stress at trauma sa pamilya nila ang ginawa ni Ervic, lalo’t na-witness ito ng mga anak nila. Pero after nga raw ng pangyayari ay parang wala lang ito sa aktor-pulitiko, hindi man lang nagparamdam or what until nga bumati ito ng happy birthday sa kapatid dahil sumasabay sa panahon ng eleksiyon.


FYI, re-electionist ngayon si Ervic bilang konsehal sa San Juan City.


 

UY, trailer pa lang ng POSTMORTEM ay sobra na kaming na-impressed.

May gulat, sindak at takot factor na agad, sabay sigaw pa at tili na hindi na namin nararamdaman sa mga horror flicks sa ngayon.


Very relatable ang tema nito tungkol sa mga taong nakikita natin na walang ulo at ang kaugnayan nito sa kamatayan.


Ang POSTMORTEM ang first directorial job ni Tom Nava, isang dating magaling na editor at cameraman sa ABS-CBN, na sumabak na rin sa mundo ng socmed (social media) bilang direktor sa likod ng mga kilalang vlogs nina Nanay Cristy Fermin at kapatid na Ogie Diaz.


Mahusay ang mga mata ni Direk Tom sa kamera dahil kahit trailer pa lang ang aming napanood, nagsasalita na ang mga shots niya. 


Hindi nga namin inakalang first timer din pala bilang aktres ng nagbibida ritong si Jai Asuncion, isang kilalang vlogger din na may milyones na subscribers, kasama pa ang komedyanteng si Agassi Ching, na dati rin niyang karelasyon.


Nakakaloka, pero isang horror-thriller ang movie and yet, maiintriga ka sa tandem nina Jai at Agassi. Hahaha!


Anyway, sa March 19 na ito ipapalabas sa mga sinehan kung saan kasama rin sa cast ang magagaling na sina Alex Medina, Jennica Garcia, Mike Lloren at Francis Mata at mga kilalang vloggers na sina Sachzna Laparan at Albert Nicolas.


More on this next ish!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 11, 2025



Photo: Winwyn Marquez - IG


Speaking of Winwyn Marquez, siya na nga ang itinalagang pambato naman ng Muntinlupa City para sa darating na Miss Universe Philippines contest.


At age 32 at isang ganap na nanay, pasok na pasok si Winwyn a.k.a. Teresita Ssen Marquez sa bagong ruling ng Miss Universe, na extended ang age at puwede na ang kahit misis na.


Ikinatuwa naman ng mga beaucon enthusiasts ang naging desisyon ni Wyn dahil alam

nilang malaki ang chance nito para sa naturang pageant.


“She has everything. Kumpletos rekados — ang talino, ang ganda, ang husay sa pasarela, ang communication skills, aura, katawan, appeal, ‘yung magic, nasa kanya lahat. Biglang naging bet siya ng majority para maging representative ng bansa,” sigaw ng mga beaucon enthusiasts/experts.


Sa ginanap na ‘sashing ceremony’ kay Winwyn just recently, no less than Luxxe owner Ms. Anna Magkalas ang mismong nagbigay ng support sa aktres-host. 


Ipinangako nitong gagawin nila ang lahat para sa 100% na pangangailangan ni Winwyn.

Sa maikli naming tsikahan ni Wyn (super touched kami dahil siya mismo ang lumapit sa amin at bumati kahit nga hindi kami na-invite earlier that day sa kanyang sashing rites), tinuran nitong wala naman daw expiration ang pangangarap. 


“God willing and on His perfect time, walang imposible,” sey pa nito.


Sinasabing ‘puksaan’ ang magiging labanan sa Miss Universe-Philippines soon dahil sa napakaraming equally good bets na sasali. Pero ‘yun na nga, lahat ng bet namin ay itataya namin kay Winwyn.


Good luck!


 

PROUD na proud si JK Labajo dahil muling nasungkit ng Pilipinas ang titulong Reina Hispanoamericana courtesy of his girlfriend na si Diane Dia Mate.

Isang simpleng “Congratulations baby,” ang nai-post ni JK sa kanyang socmed (social media) account.


Bongga ang naging laban ni Dia na sa umpisa pa lang ay nakipagsabayan na ng husay at ganda sa mga Latina beauties na siyang majority candidates sa naturang pageant.


Napanalunan ni Dia ang Best in National Costume at humataw siya sa Q&A hanggang sa silang dalawa na lang ng highly favored Miss Venezuela ang naging top two. 


Masaya rin siyang tinanggap ng Latin community at ang gaganda ng mga reviews sa naging performance niya.


Ito na ang ikalawang pagkakataon na nanalo ang Pilipinas sa naturang international beauty pageant.


Sure kaming proud na proud din si Winwyn Marquez, na unang nakakuha nito noong 2017.


 

“KAYA nga mas maging maingat sa pag-post. ‘Yung mga domestic issues, bago i-vent out sa socmed, pag-isipang mabuti,” reaksiyon ng maraming biglang naloka sa balitang ‘simpleng away’ lang daw ang naganap between Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.


Kasunod nga kasi ng pagsugod ng mga lolo’t lola ni Andi na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa sa Siargao, bigla ring naglabasan ang mga balitang ‘muling nagkabati’ sina Andi at Philmar.


Sa sobrang bashing na natamo nu’ng foreigner na umano’y best friend nina Andi at Phil, at lalo na kay Philmar, ang pagsugod lang pala ng mga lolo’t lola ni Andi ang katapat nila. Hahaha!


Pero sa totoo lang, at dahil may ‘record’ naman ng ‘cheating’ si Phil at halata naman talagang lumandi ‘yung best friend kuno, nararapat ngang mag-isip ng ilang dosenang beses ang aktres.


Or sadyang sobrang mahal niya ang ama ng kanyang mga anak at hindi niya ito kayang hiwalayan?


 
 

ni Cristine Marish Rivera (OJT) @Entertainment | Feb. 11, 2025



Photo: Marian Rivera at Dingdong Dantes - Instagram


Marian Rivera at Dingdong Dantes, reel to real. Paano? Got you, besh! Ang iniidolong couple ng karamihan, paano nga ba nagsimula? Sagot ko ‘yan, dito sa Reel to Real!


Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang mag-asawang Dingdong at Marian, pero don’t get me wrong ha, ang ibig kong sabihin, sikat pa rin sila at idol ng karamihan kahit bilang mag-asawa.


Nagsimulang magkatrabaho ang dalawa sa remake ng Pinoy teleserye na “Marimar” noong 2007 at dito itinanghal sila bilang GMA’s Primetime King and Queen.


Photo: Dingdong at Marian - Instagram Marian Rivera-Dantes


Base sa ilang panayam noon ni Marian, hindi umano sila magkasundo ni Dingdong at nasusupladuhan ito sa aktor.


So, saan nagsimulang magbago ang lahat? Maraming nagsasabing nagsimula silang ma-develop pagkatapos ng Marimar, pero ang love story nila ay nag-umpisa talaga noong 2008 hanggang 2009 kung saan ginagawa nila ang “Dyesebel” at “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.”


Fast forward, February 2010, ibinunyag ng dalawa ang special relationship nila sa isang exclusive magazine cover. Matapos ang tatlong taon, sigurado na si Dingdong na si Marian ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Nag-propose ang aktor kay Marian not once, but twice.



Sana all! Unang nag-propose si Dingdong sa Macau noong August 2012. Nangyari ito sa isang ‘Big Dome’ na puno ng butterflies na paborito pala ni Marian.


Sinundan naman ito ng pangalawang proposal sa show noon na “Marian” kung saan nag-propose si Dingdong live, sa harap ng audience na nakasubaybay sa palabas. And then, ikinasal ang dalawa noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral at binansagang “Wedding of the Year.”


Family of four na ang DongYan ngayon. November 2015 nang ipagkaloob sa kanila ang panganay na si Maria Letizia at sinundan naman ni Sixto noong April 2019.


Nitong nakaraang taon, ipinagdiwang ng mag-asawa ang 10th year wedding anniversary na sinabay rin ng pag-renew ng kanilang wedding vows.


Ibinahagi ni Dingdong ang larawan ni Marian na suot ang white dress at hawak ang bouquet ng puting bulaklak habang mangiyak-ngiyak itong naglalakad papunta sa altar.


Pinost din nila ang mga larawan sa nasabing ceremony kasama ang kanilang mga anak. Magmula pa man noon, inaabangan at kinakikiligan ang love story nila dahil sa mala-teleseryeng kuwento ng couple.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page