ni Lolet Abania | July 21, 2021
Hiniling ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent ang isang panukala na naglalayong tapusin na ang labor contractualization.
“I just signed the letter addressed to the President recommending the issuance of the certification to certify ‘yung ating Endo bill pending before the Senate,” ani Bello. Ito ang naging pahayag ni Bello matapos na sinabi ni Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Jacinto Paras na ang anti-Endo bill ay hindi nakasama sa priority measures ni Pangulong Duterte para sa huling taon nito sa posisyon.
Matatandaang noong 2016, ipinangako ni P-Duterte na ipatitigil niya ang “endo” o “end of contract,” kung saan nangyayari sa mga manggagawa ang tinatawag na "employers end contracts" sa pagsapit ng ika-5 buwan nito at nire-renew muli ng 5 buwan para maiwasan na mabigyan ng regular status ang mga empleyado.
“'Yan ay isa sa mga pangako ng Pangulo, ‘yung Endo bill na ‘yan. As early as 2019, nag-certify na siya ng Endo bill sa Kongreso,” ani Bello. “Ang problema, maraming mga labor group na nagpoprotesta, at ayaw daw nila ‘yung Endo bill that was passed by Congress. On that basis, vineto ng ating Pangulo,” dagdag niya.
Subalit ayon sa kalihim, ang kasalukuyang Endo bill na naka-pending sa Congress ay hindi aniya “substantially different” mula sa measure na nagawang i-veto noong 2019 ni Pangulong Duterte.