ni Lolet Abania | July 4, 2021
Inilagay ang dalawang lugar sa bahaging Luzon sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa Bagyong Emong ngayong Linggo.
Sa alas-5:00 ng hapon na severe weather bulletin ng PAGASA, isinailalim sa TCWS No. 1 ang Batanes at ang northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kabilang na ang Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Tropical Depression Emong ay nasa layong 780 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes nang alas-4:00 ng hapon na may maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pabugsong hangin na aabot sa 70 kph. Kumikilos ito hilaga-hilagang-kanluran ng 25 kph.
Sinabi pa ng PAGASA, asahan na si ‘Emong’ ay lalakas at magiging tropical storm sa susunod na 24 oras na maaaring makaapekto sa buong Batanes-Babuyan Islands.
Gayunman, hihina na ito pagdating ng Martes nang hapon hanggang sa Miyerkules. Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko sa posibleng mga flash floods at landslides dahil sa malalakas na pagbuhos ng ulan.
“Adjacent or nearby areas may also experience flooding in the absence of such rainfall occurrence due to surface runoff or swelling of river channels,” ani PAGASA. Makararanas naman ang mga nasa ilalim ng TCWS No. 1 ng malalakas na pagbugso ng hangin at ulan dahil sa Bagyong Emong.