top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) ang emergency use ng Sinopharm COVID-19 vaccine ng China noong Biyernes.


Ito ang kauna-unahang Chinese vaccine na binigyan ng WHO ng emergency use approval laban sa infectious disease.


Pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, "This expands the list of COVID-19 vaccines that COVAX can buy, and gives countries confidence to expedite their own regulatory approval, and to import and administer a vaccine."


Kabilang din sa mga COVID-19 vaccines na nakatanggap na ng emergency approval ng WHO ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Johnson & Johnson, at Moderna.


Noong April 26 nagkaroon ng pagpupulong ang technical advisory group ng WHO kung saan ni-review ang clinical data at manufacturing practices ng Sinopharm.


Saad pa ng WHO, "Its easy storage requirements make it highly suitable for low-resource settings.”


Ayon kay Tedros, inirekomenda naman ng Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) ang pagbabakuna ng two doses ng Sinopharm sa mga edad 18 pataas.


Saad ng WHO, "On the basis of all available evidence, WHO recommends the vaccine for adults 18 years and older, in a two-dose schedule with a spacing of three to four weeks."


Tinatayang aabot naman sa 79% ang efficacy rate ng Sinopharm na dinevelop ng Beijing Biological Products Institute.


Samantala, pahayag din ng WHO, "Few older adults (over 60 years) were enrolled in clinical trials, so efficacy could not be estimated in this age group."


Noong Miyerkules naman, nagsagawa ng review ang mga eksperto ng WHO sa Sinovac Biotech na gawa rin ng China.


Pahayag ni WHO Technical Advisory Group Chair Arnaud Didierlaurent, "We have started to review the report from Sinovac. We actually requested additional information to the manufacturer... which we hope to receive very soon to make a decision."


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 6, 2021




Iginiit ng mga eksperto na posibleng Sinovac ang iturok na second dose na bakuna kontra COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling hindi maaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sinopharm na unang itinurok sa kanya.


Paliwanag pa ni Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital's Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine, "Puwede niyang ipahabol ang Sinopharm for authorization, but Sinopharm has to submit the data. Kung hindi naman puwede ang Sinopharm, puwede naman ang kahawig na bakuna, 'yung Sinovac."


Dagdag pa niya, “As long as hindi pa 'yan approved for emergency use authorization, dapat hindi ibabakuna."


Samantala, iginiit naman ni Pangulong Duterte na sarili niyang desisyon ang pagpapabakuna ng Sinopharm, kahit hindi pa iyon aprubado ng FDA.


"Iyong itinurok sa akin... It's the decision of my doctor. And all things said, this is my life," giit pa ng Pangulo.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na rin sa ibang bansa ang paghahalo ng mga bakuna kontra COVID-19 dahil sa limitadong suplay.



 
 
  • BULGAR
  • Apr 26, 2021

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 26, 2021



Nagsumite na ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas ang Moderna Inc., ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Rolando Enrique Domingo.


Aabot sa 13 million doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang bibilhin ng pamahalaan habang 7 million doses naman ang nakatakdang bilhin ng pampribadong sector ng bansa.


Sa Mayo inaasahang darating sa Pilipinas ang 194,000 doses ng Moderna at 1 million naman sa July.


Ang mga COVID-19 vaccines na nabigyan na ng EUA ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, Gamaleya, at Johnson and Johnson.


Samantala, umabot na sa 1.7 million doses ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccines ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga vaccination sites simula noong Marso 1.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page