ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 28, 2021
Inalmahan ni Ellen Adarna ang netizen na nagkomento hinggil sa kanyang boobs.
Nag-post ang misis na ngayon ni Derek Ramsay ng kanyang larawan kung saan naka-flaunt ang kanyang cleavage.
Napansin ito ng netizen at komento nito, "Why the cleavage has fold, 'di ba nakita ng nag-picture 'yan?"
Sinagot ni Ellen ang komento ng netizen, "@_summerhafeez my boobs from watermelons turned into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear. Enjoy yours 'cuz it won't be as perky as your profile pic forever," sarkastikong sabi ni Mrs. Ramsay.
Komento naman ng mga netizens…
"Maganda si Ellen, sa totoo lang."
"Agree. But her voice is what makes me turned-off, annoying kasi. Mga ganyang picture, ok lang."
"Ang ganda, kumukupas, pero ang moralidad at magandang reputation, hindi! Mamanahin 'yan ng next generations mo at kahit nasa kabilang buhay ka na, 'yan pa rin ang maaalala sa 'yo!"
May nagkomento rin sa bagong hair color ni Ellen na blonde.
"Hindi niya bagay ang blonde hair pero maganda pa rin siya."
Sabi naman ng isang netizen, "Fake rin naman kasi 'yung boobs niya kaya na-deform."
Pagtatanggol ng isa, "Te, kahit natural pa 'yan, naiiba 'pag nag-breastfeed."
"Oo naman, nag-breastfeed din kaya ako. Pero 'yung sa kanya kasi, obvious na obvious 'yung hulma ng silicon kaya 'di magandang tingnan."
"Gets namin sinasabi mo, pero 'yung silicone kasi ang dahilan kaya nagka-crease ng ganyan nang naipit."
"She has breast implants, that's public knowledge. I guess the commenter did not know."
"Naloka ako sa “watermelons” raw before, haha!"
"Grabe na talaga ngayon, LAHAT NAPAPANSIN NA! Kung hindi pinoint out 'yun, HINDI KO MAPAPANSIN, EH."
"Nagmukha tuloy siyang pornstar."