ni Mylene Alfonso @News | August 7, 2023
Sa hangarin na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nag-deploy ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law.
"In addition to accepting applications in our office, we also deploy personnel to barangays for on-site registration," pahayag ni More Power President at CEO Roel Castro.
Ang full rollout ng aplikasyon para sa subsidy ay pinalawig ng DOE hanggang sa Setyembre dahil sa mababang turnout ng aplikasyon.
"There are 4.2 million household beneficiaries of 4Ps, and the registration for lifeline subsidy remains very low. Only those who register will continue to receive a reduction in their electricity bills beginning August 2023," nauna nang pahayag ni Energy Sec. Raphael Lotilla.
Ang discount rate ay depende sa konsumo, nasa 10 percent discount kung ang gamit na kuryente ay nasa 81 kWh hanggang 95 kWh, 20 percent kung 71kWh hanggang 80kWh, 35 percent naman sa kumukonsumo ng 61 kWh hanggang 70kWh, 45 percent kung 51 kWh hanggang 60kWh, 50 percent sa nakakagamit ng 21kWh hanggang 50 kWh, at 100 percent discount kung 20kWh o mababa pa ang buwanang konsumo sa kuryente.