ni Jasmin Joy Evangelista | October 3, 2021
Inihayag ng isang analyst na marami pang puwedeng mangyari matapos ang paghahain ni Sen. Bong Go ng candidacy sa pagka-bise presidente.
Bago pa ito, inaasahang si Pangulong Rodrigo Duterte ang maghahain ng kaniyang COC sa pagkabise presidente, base sa nominasyon ng PDP-Laban.
Nang tanungin kung posible pa ba ang substitution ngayong taon, gaya noong pagtakbo ni Duterte sa pagkapangulo noong 2016, tingin ni Aries Arugay, political science professor sa University of the Philippines, na pinupulsuhan ng administrasyon ang galaw ng oposisyon na hindi pa nagsasabi ng kanilang kandidato sa ngayon.
“Well, the funny thing is why not [run for] president? So there seems to be ongoing discussions on this. And the thing we have to wait is how forces will align. I do think that PDP-Laban endorsed him [Go] for (presidenty). I think there are things that we are not seeing, and there is a lot of discussion and negotiation and I think PDP and the admin are also trying to think about how opposition candidates are moving. Some opposition candidates have yet to express their willingness to run for presidency," ani Arugay.
“So, I think there's still going to be a lot of changes. So I'm not surprised if there will be a substitution, because we've seen this before and we might likely see this again."
Tingin pa raw ni Arugay, nais ng administrasyon na makakuha ng presidential candidate na kayang sabayan ang lakas ni Go pagdating sa bailiwick at voter base.
Hanggang Nobyembre tumatanggap ng substitution candidates ang Comelec.
Matatandaang naging substitute candidate si Duterte kay Martin Diño sa pagkapresidente noong 2016 elections.