ni Lolet Abania | October 7, 2021
Muling papasukin ni dating bise presidente Jejomar “Jojo” Binay ang mundo ng pulitika.
Ngayong Huwebes, naghain si Binay ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbong senador sa ilalim ng kanyang partidong United Nationalist Alliance (UNA) para sa 2022 elections.
“We learned during this pandemic how the people have been deeply neglected. We need to fix this,” ani Binay sa isang statement.
Ayon kay Binay, dapat na unahin umano ng susunod na administrasyon ang mabigyan ng trabaho ang halos 4 milyong indibidwal na nawalan ng ikabubuhay, higit sa 3 milyong pamilya ang dumanas umano ng gutom at libu-libong mga negosyo ang nagsara dahil sa pandemya ng COVID-19.
“Looking forward, we should work to rebuild our economy in a way that puts priority on creating stable jobs. We should reform our health care system. And the safety, welfare, and well-being of the people should always be our foremost concern,” sabi ni Binay.
“I have been in public service for more than 30 years. This is what I will offer to our people,” dagdag pa niya.
Naging bise presidente si Binay sa administrasyon noon ng yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Noong 2016 elections, tumakbo sa pagka-pangulo si Binay subalit natalo siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na noon ay mayor ng Davao City.
Sumabak din siya sa pagka-kongresista ng Makati noong 2019, subalit nabigo rin siya