ni Jasmin Joy Evangelista | October 31, 2021
Inilabas na ng Commission on Elections ang guidelines tungkol sa local absentee voting sa 2022 elections.
Ito ang mas maagang pagboto ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno tulad ng pulis, sundalo, mga miyembro ng media, bloggers, at freelance journalists na naka-duty sa araw ng halalan at hindi makakaboto sa kani-kanilang presinto.
Sa Marso 7, 2022, ang deadline ng paghahain ng sinumpaang application form.
Ang government workers ay magsa-submit ng application sa surveyor at ang mga head naman ng opisina ang magtatalaga ng lugar kung saan maaaring bumoto ang mga ito.
Sa local Comelec office naman ang magsa-submit ang media at boboto sa kung saan maghahain ng kanilang aplikasyon.
Mula April 27 hanggang 29 ang botohan sa local absentee voting at national positions lang ang maaaring iboto.
Isisilid ang mga napunang balota sa envelope at lalagyan ng paper seal.
Para sa mga mataas ang temperatura at magpapakita ng sintomas ng COVID-19, magkakaroon ng isolation polling place kung saan pabobotohin ang mga ito.
Hahatiran ng balota ang government workers na magpopositibo sa COVID-19 at naka-quarantine sa compound kung saan gaganapin ang local absentee voting.
Bibilangin ang mga boto sa May 9 kasabay ng bilangan ng mga bumoto sa araw ng halalan at isang buwan na overseas voting.