ni Jasmin Joy Evangelista | January 16, 2022
Bubuksan ng Commission on Elections sa Pebrero ang "E-rally" page sa Facebook na layong bigyan ng patas na pagkakataon ang mga kandidato na mailahad ang kanilang plataporma at maabot ang mga botante.
Ito rin ay maghahatid ng libreng livestreaming ng e-rallies ng mga national candidate sa 2022 National and Local Elections.
Ang Campaign S • A • F • E • COMELEC e-Rally Channel sa Facebook ay magbibigay ng e-rally airtime sa lahat ng kakandidato sa pagka-pangulo, bise presidente at senador, at maging ang party-list organization.
“The Commission will issue the pertinent guidelines on how the candidates and party list organizations can participate in the e-Rally channel,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez.
“This platform can help ensure that even those candidates who have less in followers can still have more in views and exposure, so to speak,” dagdag niya.
Sisimulan sa February 8, 2022 ang livestreaming ng e-rallies kada gabi sa official social media accounts ng Comelec.
Maglalabas ang COMELEC ng schedule ng e-rally timeslots sa bawat elective position:
Presidential – 10 minuto – 3 slots/gabi
Vice-Presidential – 10 minuto – 3 slots/gabi
Senatorial – 3 minuto – 5 slots/gabi
Party-List Organization – 3 minuto – 5 slots/gabi
Political Parties – 10 minuto – 3 slots/gabi
Narito ang link ng Facebook Page:
https://www.facebook.com/COMELECeRallyChannel