ni Lolet Abania | July 20, 2021
Umabot sa 800 indibidwal ang pinayagang makapasok sa Golden Mosque sa Manila para sa paggunita ng Eid’l Adha o ang Arabic Festival of Sacrifice na ipinagdiriwang ngayong araw, Hulyo 20, sa kabila ng pandemya ng COVID-19.
Subalit para sa mga kababayang Muslim na hindi na nakapasok sa mosque, inusal na lamang nila ang kanilang morning prayer sa kahabaan ng Globo de Oro at Elizondo Streets.
Gayundin, marami ang nagtipun-tipon sa lugar ngayong Martes nang umaga upang makiisa sa umagang panalangin para sa mahal nilang si Allah at bilang bahagi ng kanilang pasasalamat dito.