top of page
Search

ni Lolet Abania | June 30, 2022



Nakatakdang ganapin ang Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice sa Hulyo 9, batay sa inianunsiyo ng Islamic advisory council ng Bangsamoro Region o ang Bangsamoro Darul-Ifta ngayong Huwebes.


“By virtue of the authority vested in me as Bangsamoro Mufti, I hereby announce that the Eidul-Adha sacrificial festival this year will be on Saturday, July 9,” ani Mufti Abuhuraira Udasan sa isang statement.


Sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, ang mga Muslims ay nagkakatay ng mga sheep, kambing, baka, at camel para gunitain ang malugod na pagpayag ni Prophet Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak sa iniutos ni Allah.


Ito ang isa sa dalawang mahahalagang holidays sa Muslim calendar na ang isa ay ang Eid’l Fitr, na itinuturing naman na pagtatapos ng holy fasting month ng Ramadan.


 
 

ni Lolet Abania | July 20, 2021



Nasa 35 katao ang namatay habang marami ang sugatan matapos pasabugin ng isang suicide bomber ang mataong palengke ng Sadr City, karatig ng Baghdad, Iraq, nitong Lunes nang gabi bago ang pagdiriwang ng Eid al-Adha.


Ayon sa mga awtoridad, mahigit sa 60 indibidwal ang malubhang nasugatan dahil sa insidente.


Inamin naman ng Islamic State na sila ang responsable sa pag-atake, batay sa Nasheer news agency sa isang telegram, kung saan pinasabog ng isa sa kanilang mga militants ang kanyang explosive vest sa karamihan na nasa pamilihan.


Base rin sa hospital sources, posibleng madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa insidente dahil ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.


Agad namang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa kanyang top security commanders upang resolbahin ang naganap na pag-atake.


Gayundin, nag-post si President Barham Salih sa kanyang Twitter account na nagsasabing: “With an awful crime they target civilians in Sadr City on the eve of Eid ... We will not rest before terrorism is cut off by its roots.”


Matatandaang noong Abril, ang Sunni Muslim militant group Islamic State ay umaming responsable sa pagsabog ng isang kotse sa isang palengke rin ng Sadr City, sa Shi’ite Muslim karatig ng Baghdad kung saan 4 katao ang nasawi at 20 ang sugatan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page