ni Eli San Miguel @News | June 15, 2024
Nakatakdang ganapin ang Eid al-Adha prayers sa Hunyo 16, ayon sa Islamic advisory council ng rehiyon. Sa isang pahayag na inilabas nitong Sabado, sinabi ng Bangsamoro Darul-Ifta' (BDI) na magaganap ang mga panalangin sa ganap na alas-6 ng umaga.
Ayon kay Bangsamoro Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani, tumutugma ang petsa sa ika-10 araw ng Dhul-Hijjah sa Islamic calendar (1445 H).
"Celebrations will officially commence following the Eid Khutbah (sermon) after the prayer and continue until the Ayyam Al-Tashreeq (Days of Throwing), which will begin on June 17 and conclude with the Maghrib (sunset) call to prayer on June 19," ani Mufti Guialani.
Kilala rin ang Eid al-Adha bilang "Festival of Sacrifice," na isang mahalagang pagdiriwang sa Islam na nagpapahayag ng matibay na debosyon ni Propeta Ibrahim (Alayhis Salam) kay Allah.
Idineklara ng Malacañang Palace na regular holiday ang Hunyo 17, 2024, bilang paggunita sa Eid'l Adha.